Kim Domingo pinaiyak ni Marian; wish makita ang nawawalang ama | Bandera

Kim Domingo pinaiyak ni Marian; wish makita ang nawawalang ama

Ervin Santiago |July 02,2017
facebook
share this

Kim Domingo pinaiyak ni Marian; wish makita ang nawawalang ama

Ervin Santiago - July 02, 2017 - 12:05 AM

KIM DOMINGO

SIGURADONG pinagpapantasyahan at pinagpipiyestahan na ng mga kalalakihan at katomboyan ang sexy photo book ng Pantasya Ng Asya at Number 2 sa 2017 Sexiest Woman sa FHM na si Kim Domingo, titled “Kim Domingo: State of Undress” mula sa Summit Books.

Ni-launch ni Kim ang kanyang coffee table book kamakailan sa Palm Grill restaurant sa Q.C. at game na game niyang sinagot ang mga tanong ng press na dumalo sa nasabing even. Sey ni Kim, dream some true ang pagkakaroon niya ng sariling photo book kung saan naka-compile ang mga seksing litrato niya mula noon hanggang ngayon.

At kahapon naman naganap ang successful na book launch and signing sa National Bookstore Glorietta 1. Mabibili ang “Kim Domingo: State of Undress” sa lahat ng bookstores at para lang ito sa mga may edad 18 pataas dahil strictly for adults only ang nasabing libro. Halos ibuyangyang na kasi ni Kim ang lahat-lahat sa nasabing photo book.

May tatlong chapters ang “State of Undress” kung saan mas makikilala n’yo pa nang husto ang Kapamilya sexy actress. Nakatrabaho niya rito ang magagaling na photographer na sina Shaira Luna, Ejay Leung at Paolo Pineda.

Mababasa sa book ang life story ni Kim na siguradong kapupulutan ng inspirasyon ng mga kabataan. Ang tanging wish daw niya ngayon ay makita ang kanyang French father na hindi pa niya nakikilala ever.

Sana raw sa pamamagitan ng librong ito ay matagpuan na niya ang kanyang ama.
Sa nasabing presscon, natanong ang dalaga kung may bahagi ba ng katawan niya ang sumailalim na sa operasyon tulad ng ibang nagpapaseksing celebrities, sagot ni Kim, “Sila na lang po ang bahalang humusga du’n! E, opinyon na lang nila kung gawa, opinyon na lang po nila yun.”

Samantala, pagkatapos ng seryeng D’Originals sa Afternoon Prime ng GMA, may kasunod agad na project si Kim kung saan makakasama niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Meron na po at halos naiyak nga ako nang tawagin na ako para sa story conference ng The Good Teacher at nakita ko roon si Ms. Marian. Labis po ang pasasalamat ko nang sabihin niyang ako raw ang personal choice niya to play her sister, dahil matagal ko na rin siyang gustong makasama.

“Sabi pa niya sa akin, maganda ang aming soap dahil drama-fantasy ito, huwag daw akong mag-alala dahil susuportahan niya ako. Ang bait-bait niya, kaya nagtataka ako kapag may nagtatanong sa akin kung hindi raw ako takot kay Ms. Marian,” papuri ni Kim kay Marian.

Regular pa ring napapanood si Kim Domingo sa Bubble Gang ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending