Sa ibang bansa makapag-aasawa | Bandera

Sa ibang bansa makapag-aasawa

Joseph Greenfield - July 01, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Jenny ng Mangagoy, Bislis, Surigao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang lady guard at maganda naman ang aking suweldo. Kaya lang marami na akong kasamahan na sa abroad nagtrabaho. At inaaya nila akong sumama sa kanila para mas mabilis daw akong makaipon ng pera at mapagawa ko ang lumang bahay namin sa probinsya. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may maganda kaya akong future sa abroad bilang isang lady guard? At ang isa pang ihihingi ko sa inyo ng payo ay tungkol sa love life dahil 31 na ang edad ko sa ngayon pero wala pa rin akong boyfriend at kinakabahan na din ako na baka ako ay tumandang dalaga na lang habang buhay. Magkaka-boyfriend at makapag-aasawa pa kaya ako? Kung Oo ang sagot kailan at saan ko makikilala ang lalaking makakasama ko habang buhay? August 28, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Jenny Surigao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sadyang mahaba ang Travel Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin tama ang iyong pasya, higit kang papalarin sa pangingibang bansa at maaari ding doon ka na makapag-aasawa at habang buhay na magiging maligaya.
Cartomancy:
Nine of Hearts, King of Diamonds at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling makapangibang bansa ka mas malamang na sa ibayong dagat habang nagta-trabaho ka bilang security guard doon ka na rin, uunlad ng uunlad at tulad ng nasabi na sa guhit ng iyong palad maaaring doon ka na rin makakatagpo ng true love.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending