Sanya kay Rocco: Boyfriend material naman po siya!
WALA pang ginagawang panliligaw si Rocco Nacino sa kaparehang si Sanya Lopez kahit nagkatikiman na sila ng mga labi sa GMA telefantasyang Encantadia.
“Sobrang close lang po kami kaya madalas kaming magpakamalan na nagliligawan. Madalas na napagkakamalan na kami na,” saad ni Sanya sa grand presscon ng bagong afternoon series nila ni Rocco, ang Haplos.
“Hindi kami nagmamadali. Isang taon kaming nagsama sa Encantadia at naging malapit kami sa isa’t isa. Pero it all comes down in knowing your priorities at ang priorities ni Sanya ay ‘yung show.
“Kitang-kita naman sa kanya na top priority ang pagganap niya bilang si Angela sa show. Ang importante lang naman is hindi mo minamadali ang mga bagay. But we have a special bond,” sey naman ni Rocco.
Boyfriend material ba si Rocco para sa kanya? “Sa nakikita ko naman sa kanya, boyfriend material siya,” sagot ng Kapuso actress.
“Wala naman akong duda! At nakita ko naman po kung gaano siya mag-alaga hindi lang naman po sa amin kungdi sa magulang niya.
“Nakita ko naman po kung paano niya i-care ang mommy niya lalo na every Sunday. Nagba-bonding sila. Nakikita ko naman po na pag mahal mo ang magulang mo, kesa doon sa iba, parang mas boygfriend material sa akin,” rason ni Sanya.
Ready na ba si Rocco na ma-fall sa ibang babe after ng break-up nila ni Lovi Poe?
“Lagi namang bukas ang pinto na ‘yon. ‘Yung pinto sa pag-ibig. Lagi naman akong ready. Binabalik ko lang.
“It’s just the priorities. Siyempre hindi lahat nabibigyan agad ng trabaho after the last one. Inaalagaan ko ito (Sanya),” katwiran naman ni Rocco.
Sa Haplos, handa na ring gawin ng dalawa ang mas maiinit nilang mga eksena. Magsisimula na ito sa July 10.
Makaka-join din sa cast ng Haplos sina Celia Rodriguez, Thea Tolentino, Francine Prieto, Pancho Magno, Patricia Javier, Emilio Garcia at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.