Peligro sa pagkain ng French fries | Bandera

Peligro sa pagkain ng French fries

- , June 26, 2017 - 05:00 AM

MAHILIG ka bang kumain ng French fries?

Kung oo at isa ito sa mga paborito mong fast food snack, aba’y mag-ingat na dahil baka ito ang maging dahilan ng maaga mong kamatayan.

Hindi naman sa nananakot tayo, pero ilang pag-aaral na ba ang naiuulat at nagsasabi tungkol sa bad news na dulot nang pagkain ng French fries?

Sa huling pag-aaral na inilathala ng American Journal of Clinical Nutrition, nalaman ng mga tagapagsaliksik na ang mga tao na kumakain ng fried potatoes o prinitong patatas ng dalawang beses kada linggo ay mas lamang na mamatay nang maaga. Ang fried potatoes ay ki-nabibilangan ng French fries at hash browns.

Sinundan ng nasabing pag-aaral ang pagkain ng patatas ng 4,400 kalahok na may edad na 45 hanggang 79-anyos sa loob ng walong taon. Nabatid sa pag-aaral na mataas ang tsansa na mamatay ng tao na kumakain ng fried potatoes.

Pero ang kumain ng patatas nang hindi pinipirito ay nakabubuti sa kalusugan ng isang tao.

Ang pagprito sa patatas ay nag-aalis sa mga nutrina nito at ang French fries na inihahain sa mga fastfood chain ay hindi mabuting paraan nang pagkain ng patatas dahil may kasama itong saturated fat at sandamakmak na asin.

Ang patatas ay masustansiya at kargado ito ng low calories, vitamin C at B6, potassium at fiber kung i-nihahanda sa pamamagitan nang paglaga at pag-baked. Ang mga nasabing paraan ay nagpapanatili sa mga nutrina nito ayon sa Live Science.

Subalit ayon naman sa Harvard School of Public Health, ang patatas— French fries o iprinito ay may kaugnayan naman sa pagtaas ng timbang at diabetes.

Kaya para sa mga ayaw tigilan ang pagkain ng maalat na ‘finger foods’ tulad ng French Fries, ang susi ay ang paghinay-hinay sa pagkain nito para hindi maagang matigok. —AFP

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

TRIVIA

ALAM mo ba na noong 2005, tinatayang 11 milyong toneladang factory-made french fries ang nagawa sa buong mundo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending