Relasyon nina Rocco at Sanya totohanan na | Bandera

Relasyon nina Rocco at Sanya totohanan na

|June 25,2017
facebook
share this

Relasyon nina Rocco at Sanya totohanan na

- June 25, 2017 - 12:05 AM

Larawan mula sa Instagram account ni Sanya Lopez

MUKHANG totohanan na nga ang relasyon nina Rocco Nacino at Sanya Lopez na nagsimula lang sa tuksuhan sa huling serye nila sa GMA, ang Encantadia.

Kahit hindi pa umaamin ang dalawang Kapuso stars, naniniwala ang kanilang fans na magdyowa na ang dalawa. Kahit daw ang mga litrato nila sa Instagram ay nagpapatunay na nagkadebelopan na nga sila.

Sa huling panayam kina Rocco at Sanya, sinabi nilang hindi nila minamadali ang pag-level up ng kanilang friendship. Naniniwala sila na kung itinadhana na maging sila ay hindi nila ito mapipigilan.

Sey ni Rocco, mas madalas na raw silang mag-usap ngayon tungkol sa kanilang personal life, “Kami ni Sanya, it’s been a lot of talking to each other, talking casually which really helped us both to build our friendship.

“We talk almost every day para kamustahin ang isa’t isa and we help each other out by reading lines together mas maging relaxed kami,” anang aktor.

Para naman sa mga fans na miss na miss na silang mapanood together sa TV, isang pagpapakilig uli ang handog nina Rocco at Sanya ngayong hapon sa GMA sa isa na namang espesyal na episode ng Dear Uge hosted by Eugene Domingo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending