PINAIIMBESTIGAHAN sa Kamara ni Pampanga Congressman Aurelio Gonzales ang pagkawala ng mga valuables at pera ng kanyang asawang si Elizabeth sa Resorts World shooting rampage and fire.
Si Elizabeth ay isa sa mga 38 katao na namatay sa suffocation dahil sa matinding usok.
Gustong malaman ni Gonzales kung sino ang kumuha ng mga valuables, pera at bank ATM (automatic teller machine) card at nakapag-withdraw ng malaking halaga ilang araw matapos ang insidente.
Sino pa kundi ang mga security guard ng hotel-casino, pulis at bombero.
Sino naman ang magkakaroon ng tapang na magnakaw sa biktima kundi ang mga taong humawak ng kanilang mga bangkay?
Ang ating mga pulis at bombero ay notorious sa pagnanakaw ng gamit at pera sa crime at fire scenes.
***
Habang iniimbestigahan niya ang pagkawala ng mga gamit at pera ng kanyang misis, dapat suriin din ni Gonzales at iba pang mga mambabatas ang napaulat na pagkawala ng P200 milyon sa Resorts World matapos ang gulo.
Bakit iko-confine lang ang imbestigasyon sa kanyang personal loss at hindi ang pagkawala ng tiwala ng publiko sa ating kapulisan at kabomberohan?
One is reminded of a joke about the response time of different police departments to an alarm call.
Ayon sa joke, ang New York Police Department ay nasa crime scene in 5 minutes.
Ang mga pulis sa London, 4 minutes; sa Hong Kong, 3 minutes, at sa Singapore, 2 minutes.
At ang mga pulis sa Metro Manila? Nasa crime scene sila in split of a second. Bakit? Dahil sila ang mga kriminal.
***
Karamihan ng police rookies (bagong pulis) ay walang dedication sa kanilang trabaho at ang kanilang kilos ang nagsisigaw ng kanilang kakulangan.
Obserbahan mo ang isang rookie o kahit na beteranong pulis na nagpapatrolya sa mga lansangan ng Metro Manila; kung meron kang makita na isa man sa kanila na nagpapatrolya.
Nakatindig o nakaupo sila sa kanto at walang pakialam sa mga nangyayari sa kanilang paligid.
Kung nasa patrol car sila, pinaparada nila ito sa isang di mataong lugar at natutulog sila sa loob.
Ang mga pulis sa kanto naman ay nakaupo lang at nakatitig sa kanilang cellphone at nagbabasa o nagpapadala ng text messages.
Hindi man lang naglalakad-lakad sa paligid.
Napansin ko na ang pulis na naka-assign sa Philippine Information Agency (PIA) building sa Quezon City ay nakaupo lang at nakababad sa kanyang cellphone.
Samantala, ang mga security guards ay sumasaludo sa mga VIP na dumarating sa building, pero walang pakialam ang pulis at nakatingin sa kanyang cellphone.
***
Pagpasensiyahan na ako ng aking mambabasa na for the nth time, binabanggit ko ang disiplina sa dating Philippine Constabulary (PC), na nauna sa Philippine National Police (PNP).
Kung ikumpara mo ang PC noon at PNP ngayon ay parang inihahambing mo ang isang Toyota Land Cruiser sa tricycle.
Isang halimbawa: Ang aking tatay, isang PC captain noon, ay natagpuan ang isang PC trooper na natutulog sa guardhouse sa Camp Bumpus sa Tacloban City noong 1963.
Bumaba ang aking ama sa kanyang jeep, pumunta sa PC trooper na natutulog, kinuha ang kanyang helmet at pinukpok ito sa ulo.
Pinaalis ng matanda ang sundalo sa kanyang puwesto at kinulong sa stockade (kulungan) ng limang araw.
Kung nangyari yan ngayon, baka binaril na ang tatay ko ng kanyang tauhan.
Ganyan ang disiplina ng national police noon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.