Move on na sa user-friendly na BF | Bandera

Move on na sa user-friendly na BF

Beth Viaje - June 21, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ateng,

Salamat naman at meron ng advice column ang Bandera gaya nito.

May problem po ako sa boyfriend ko.  Ateng, isa po akong Darna (aka. bakla).  Yung BF ko po ngayon, siya na siguro yung pinakamatagal kong nakarelasyon.  Kaya siguro masasabi ko na sa kanya ako umaasa ng aking forever.

As in love na love ko po siya. Sa pakiwari ko ay love naman din niya ako.  Pero lately napansin kong naging busy siya at hindi niya sinasabi ang plans niya sa akin.  Hanggang isang araw ay nalaman ko na mag-aabroad pala siya at ang lahat ng gastos niya sa pag-aabroad ay courtesy ng kaibigan kong bakla.

Ayaw kong isipin na  tinraydor nila ako.  Kasi yung friend kong bakla, kilala ko na siya nasa grade 3 pa lang kami.

Ano bang dapat kong gawin?
Sheena, from Mayon, Quezon City

Dear Darna,

Believe me when I tell you na mas makabubuting mag move on ka na lang.

Siyempre hindi biro yung tagal nang pinagsamahan ninyo ng   Bf mo (soon to be ex?).  Pero yung totoo, parang user-friendly naman yang BF mo ‘teh,  na kung sino yung mas makakapagbigay sa kanya ng mas malaking pakinabang ay doon siya.

Ano ba namang timbrehan ka man lang siguro na meron na siyang bago, at ayaw na niya sa iyo, hindi ba?

Pero dahil wala syang ano na harapin ka, wala siyang guts and balls ba… ibig sabihin hindi siya worth ng love and affection mo.

Hayaan na siya kay friend. Kung magiging masaya sila, at least ikaw naging dahilan. Kung hindi naman, you saved yourself from a bigger heartache.

Hindi mo naman kailangan ang kaibigan at ka-ibigan na walang loyalty, hindi ba?

Asikasuhin mo na lang ang pagiging darna mo. Uso naman yan nga-yon, thanks to Liza Soberano!

Hugs to you, Sheena.

Love,
Ateng Beth

Sa Huwebes, abangan ang sey ni Ateng sa problemang ito:

Dear Ateng,

Namamasukan po ako bilang isang OFW sa Hong Kong.  DH po ako sa madaling salita pero hindi ko po iyong ikinahihiya.

Pero bakit ang mga anak ko tila ikinahihiya ang trabaho ng kanilang ina, samantalang iyon ang bumubuhay sa kanila.

Masakit po sa kalooban ko na ang sarili kong mga anak ang hindi proud sa akin.

Bakit daw nagtapos pa ako na maging guro tapos katulong lang ang kauuwian ko.

Gusto ko pa rin pong maging teacher pero, hindi po sapat ang kita para mabuhay ko ang pamilya ko.
Paano ko kaya sila papaliwanagan?  Salamat, ateng Beth.

Erminda ng General Santos City

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ka bang isangguni kay Ateng?  I-text na sa 09989558253 o mag-email sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending