Ellen, Baste muling nagkita sa bar, bigla na lang naghalikan | Bandera

Ellen, Baste muling nagkita sa bar, bigla na lang naghalikan

Ervin Santiago |June 21,2017
facebook
share this

Ellen, Baste muling nagkita sa bar, bigla na lang naghalikan

Ervin Santiago - June 21, 2017 - 12:01 AM


KALAT na ang bagong “kissing photo” ng dating magdyowang sina Ellen Adarna at Baste Duterte. Usap-usapan ngayon sa social media ang nasabing litrato kung saan kitang-kita ang paghahalikan ng dalawa.

Nangyari ang nasabing “kissing scene” nang magkita muli ang sexy actress at ang presidential son sa isang bar sa Cebu City nitong nakaraang Sabado.

Sa isang video na in-upload sa Facebook ng isang @riomusiccebu, mapapanood na kumakanta si Ellen ng Cebuano song na “Pero Atik Ra”. Dito makikita na nasa harapan lang ng dalaga ang kanyang ex-boyfriend.

Tila tinutukso pa raw ni Ellen ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte habang kumakanta, lalo na nang bigkasin na nito ang mga lyrics na, “Diri na lang ko kutob, diri na lang ko taman (Hanggang dito na lang ako Hanggang dito na lang ako).

“Dili na ko mogukod, sa taw’ng kusog modagan (Di ko na hahabulin, yung taong mabilis tumakbo). Kay kung di gyud, di gyud, wala na ta’y pugsanay (Dahil kung di talaga… hindi talaga. Wala nang pilitan pa).

“Ay na lang, ay na kug atika (Wag nalang, Wag mo na ‘kong biruin pa). Dili na ko mag-assume, dili na ko magpada (Di na ako mag-aasume, di na ako magpapaloko).

“Dili na ko magpatonto, nimo nga paasa (Di na ako magpapauto, sa’yo na paasa). Kay kung di gyud, di gyud, wala na ta’y pugsanay (Dahil kung di talaga hindi talaga. Wala nang pilitan pa).”

Nang matapos na siyang mag-perform, mismong si Baste na ang lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Dito na sila tinukso ng audience at hiniling kay Baste na halikan si Ellen. Naghiwalay ang dalawa noong 2016 at kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na nagkita sila uli after the break-up.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending