9-anyos pinakawalan ng Abu matapos ang P200K ransom | Bandera

9-anyos pinakawalan ng Abu matapos ang P200K ransom

- June 20, 2017 - 03:45 PM

PINAKAWALAN ng teroristang Abu Sayyaf ang siyam-anyos na bihag na batang lalaki matapos magbayad ang kanyang mga magulang ng P200,000 ransom.
Sinabi ni Octavio Dinampo, spokesperson ng Save the Sulu Movement (SSM), na pinakawalan ang biktima noong Lunes ng umaga matapos ang dalawang linggong pagkakabihag.

Dinukot ang batang lalaki noong Hunyo 6 mula sa kanyang bahay sa San Raymundo sa bayan ng Jolo. Ibinigay siya sa kanyang nanay ng mga Abu Sayyaf sa bayan ng Patik.

“The mother paid P200,000,” sabi ni Dinampo.
Ayon sa ulat ng militar, ang grupo ng Abu Sayyaf na pinangungunahan nina Suraka Ingug at Sonny Boy Sajirin ang tumangay sa bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending