Operasyon ng MRT3 naapektuhan ng basurang sumabit sa kawad ng kuryente
Leifbilly Begas - Bandera June 20, 2017 - 03:22 PM
Dahil sa basurang sumabit sa kawad ng kuryente, naapektuhan ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 kahapon ng umaga.
Nagpatupad ng provisional service ang MRT 3 alas-6:44 ng umaga matapos na sumabit ang basura sa kable ng kuryente sa pagitan ng Magallanes at Taft Avenue stations. Ang mga tren ay bumiyahe lamang mula North Avenue station sa Quezon City hanggang sa Shaw Boulevard station sa Mandaluyong City. Alas-6:54 ng umaga ng bumalik sa normal ang operasyon ng mga tren. Habang inaalis ang problema, nagkaroon naman ng technical problem ang isang south bound train kaya pinababa ang mga pasahero sa Quezon Avenue station alas-6:47 ng umaga.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending