Libro ni Ogie Diaz tulong sa mga may breast cancer
IPINASILIP sa amin ng multi-slashie na si Ogie Diaz (talent manager/comedian/kaibigan/kumpare) ang cover—front and back—ng kanyang unang pagtatangka at book writing.
Ipini-em (private message) ni Ogie sa aming Facebook account ang pabalat ng kanyang librong sa wakas ay nahanapan na niya ng angkop na pamagat: Pak! Humor (subtitled Every Gising Is A Blessing).
Mapalad ang inyong lingkod sa pagkakaroon ng munting partisipasyon ng librong ‘yon na si-nimulan ni Ogie noon pang 2014. Bahagi kami ng initial editing ng ilan niyang mga manuscripts culled from his blog.
Tinurete rin kami ni Ogie sa pag-iisip ng title na kung maaari’y magamit ang phrase na “wit and humor” since his book contains these two salient elements. Finally, he ended up one.
“Hindi ba bastos?” pagso-solicit ni Ogie ng aming take on the title. Kung bibitinin kasi ang pagbigkas ng last syllable na “mor,” it would definitely sound foul.
Pero para sa amin, the shor-ter, the catchier, the better. Mas madaling matandaan. Mas may impact.
Sa back cover naman nito’y ang karaniwang brief profile, ang “About the author” (o Tungkol sa may-akda). Umpisang linya pa lang ay walang halong pretensi-yong inamin ni Ogie kung anong antas lang sa high school ang kanyang natapos.
We wanted sana to probe into Ogie’s pronouncement. Sure ka, ‘Teh? Baka naman gumradweyt ka sa Angelicum, kiyeme-kiyemeng undergraduate ka para bumenta lang ang libro mo, ha?
Oo naman, sino ba namang nangahas magsulat ng aklat ang hindi naghahangad na bumenta like the proverbial hotcakes ang kanyang gawa? But there’s more to that.
Kalakip kasi ng aklat ni Ogie ang layunin—kundi man ang adbokasiya—na maglaan ng tulong para sa mga breast cancer patients. Matagal nang aktibong kasapi si Ogie sa Breast Cancer Foundation, at sa libro nga niyang “Pak! Humor” nangkaangkla ang karagdagang maitutulong pa niya sa mga programa nito.
One hundred at ninety nine pesos lang ang halaga ng bawat sipi ng libro, na pinatawa’t pinagaan na ang iyong ligalig na kalooban ay nakatulong ka pa sa ngalan ng kawanggawa.
Pero, ‘Teh Ogie, hindi ka ba talaga nakatapos ng high school?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.