Pia, Marlon away-bati, maghihiwalay pero magbabalikan din
O, di ba at parang mga teenager din sina Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach na kapag nagkakatampuhan o may issue na hindi nareresolba ay agad magdededmahan sa social media at ia-unfollow ang isa’t isa.
Take note na Miss Universe na iyan ha, at isang world-renowned car racer na hindi naman siguro “bano” sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa love. Ha-hahaha!
Ang latest, nagkaayos na raw uli ang magdyowa at may plano na naman silang mag-tour together sa iba’t ibang bansa. Meaning, talagang mahal nila ang isa’t isa na kahit mag-away nang mag-away ay nagkakabalikan din agad-agad!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.