Patay ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue matapos na pagbabarilin kahapon ng umaga.
Si Albert Enriquez, hepe ng Assessment Division ng BIR Revenue District 28, ay agad na binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala.
Sa paunang imbestigasyon, kabababa ng biktima sa kanyang sasakyan sa West Ave., ala-7:30 ng umaga ng pagbabarilin ng riding in tandem.
Pumarada ang biktima sa labas ng Ambianza Apartelle na malapit sa tanggapan ng BIR.
Inaalam pa ng pulisya kung ang ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending