WILLIE REVILLAME nahuling nakikipag-meeting sa bossing ng gma, magiging kapuso na ba? | Bandera

WILLIE REVILLAME nahuling nakikipag-meeting sa bossing ng gma, magiging kapuso na ba?

Cristy Fermin - June 09, 2013 - 08:51 AM

May nakapagbulong sa amin na may nakikipag-usap na raw na taga-GMA 7 kay Willie Revillame ngayon. Hindi pa malinaw sa amin ang mga detalye ng pag-uusap, pero nakakaalarma na ang ganu’n, sa pag-alis kaya ni Willie sa TV5 ay sa Siyete siya gagawa ng programa?

Sabi ng aming source, “Basta, nu’ng minsan, e, may nakakita sa isang tao ni Willie na nakikipag-meeting sa isang taga-GMA 7. Alangan namang ibang show o ibang tao ang pinag-uusapan nila, e, identified kay Willie ang ka-meeting nu’ng taga-GMA 7?

“Natural, ano ang iisipin ng mga nakakakita sa kanila, di ba, ang paglipat ni Willie ng network, dahil matatapos na nga ang show niya sa TV5 sa October 12, di ba?” bulong pa ng aming source.

Hindi pa malinaw sa amin ang kuwentong ito, sa huling pag-uusap namin ni Willie ay wala naman siyang nabanggit na kuwento tungkol sa paglipat niya sa GMA 7, ano kaya ang kuwento sa likod nu’n?

Ang maliwanag lang na sinabi sa amin ni Willie ay pansamantala siyang magpapahinga, ‘yun ang ginamit niyang salita, pansamantala lang. Ibig bang sabihi’y sandali lang siyang mawawala sa himpapawid at bigla na namang lilitaw pero sa ibang istasyon na?

Kahit ano ay puwedeng mangyari sa ngayon. Puwedeng mananatili pa rin siya sa TV5, puwede rin namang sa ibang network na siya mapapanood, ang alam lang naming hindi posible ay ang pagbabalik niya sa ABS-CBN.

Nakakatawa nga ang litanya ng isang tagapagsalita ng Dos, wala raw plano ang kanilang istasyon na kunin ang serbisyo ni Willie, dahil mababa ang rating ng kanyang programa.

Ang tanong, kahit minsan lang ba ay sumagi naman sa isip ni Willie Revillame ang pagbabalik sa istasyong pinanggalingan niya, sa palagay nami’y wala.
Wala, as in, wala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending