TNT, Meralco magtutuos para sa huling semis slot | Bandera

TNT, Meralco magtutuos para sa huling semis slot

Angelito Oredo - June 09, 2017 - 12:10 AM

Laro Ngayon (Araneta Coliseum)
7  p.m. TNT KaTropa vs Meralco

ISANG silya na lang ang bakante para sa semifinal round ng 2017 PBA Commissioner’s Cup.

At ito ay paglalabanan ngayon ng magkapatid na koponang Meralco Bolts at TNT KaTropa.

Nakauna ang TNT Katropa sa serye, 102-84, pero nakabawi ang Meralco sa paghirit ng 103-100 overtime win noong Miyerkules.

Mag-uumpisa ang do-or-die Game 3 dakong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa sagupaang ito ay makakasagupa ng Barangay Ginebra sa best-of-five semis.

Magtatapat naman sa kabilang semifinal series ang San Miguel Beermen at Star Hotshots.

Tumapos na ikalimang puwesto ang Meralco samantalang inokupahan ng TNT ang No. 4 seed.

Nakahirit ang Bolts ng sudden-death game sa kanilang quarterfinals series matapos nitong balewalain ang matinding hamon at biguin sa overtime ang Tropang Texters noong Miyerkules ng gabi kahit tinapos nito ang laban na hindi nakasama ang agad na-foul trouble at na-foul out sa huling dalawang minuto ng regulation na si Meralco import Alex Stepheson.

Sinandigan ng Bolts ang career-high 32 puntos ni Baser Amer habang nagtala si Kelly Nabong ng pitong puntos sa matinding 11-5 atake sa dagdag na limang minuto ng laban upang pigilan ang apat na sunod na kabiguan habang pinutol ang apat na sunod na pagwawagi naman ng  Tropang Texters.

“We will need another effort like this to have a chance to make the semifinals. I expect Friday to be a dogfight, and I hope our guys come out like they did tonight,” sabi lamang ni Meralco Bolts coach Norman Black na dismayado sa itinala na pitong puntos at 13 rebounds ni Stepheson.

Magbabalik para sa Texters si Ranidel de Ocampo na hindi nakalaro noong Miyerkules dahil sa hyperextended leg na nakamit noong Game One, 102-84,  Lunes kung saan bokya siyang makaiskor sa apat na minutong paglalaro.

Hahamunin ng magwawagi sa pagitan ng Bolts at Tropang Texters ang Ginebra sa best-of-seven semis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsasagupa naman sa isa pang unahan sa apat na panalo sa serye ang magkapatid na Beermen at Hotshots.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending