Matatakasan pa ba ang kalaguyo? | Bandera

Matatakasan pa ba ang kalaguyo?

Joseph Greenfield - June 09, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Andrea ng Tikay, Malolos City, Bulacan
Dear Sir Greenfield,
Sa kasalukuyan ay may kinakasama akong matandang lalaki na may asawa. Sa kabila ng pamilyado na siya tao regular pa rin siyang umuuwi sa apartment na kinuha nya para sa akin. Dalawang beses sa isang linggo siya umuuwi kaya kung tutuusin ay para na rin kaming mag-asawa. Pero kahit ganito ang sitwasyon naming lagi pa rin akong nag-aalala at iniisip ko kung magiging panghabang buhay na ba ang ganitong kapalaran ko gayong hindi ko naman pinangarap ang ganitong buhay. Gusto kong magkaroon ng normal na buhay, yong may legal na asawa at sariling pamilya na hindi natatago sa lipunan. Tanong ko lang kung makikipag hiwalay na ba ako sa kanya may lalaki pa kayang mag mamahal sa akin ng tapat at makakasama ko habang buhay na magtayo kami ng normal at maayos na pamilya? October 29, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Andrea ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malaking bilog ang unahang bahagi ng Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi pangkaraniwan ang magiging karanasan mo sa pag-ibig at pag-aasawa at ang hindi pangkaraniwang ito ay ang kasalukuyan mong sitwasyon – ikaw ay maging isang kabit o kerida. Ngunit ang nakatutuwa may ikalawang Marriage Line sa iyong palad (arrow 2.) na mas tuwid at mas maganda. Ibig sabihin sa ikalawang pag-aasawa, magiging normal na ang lahat at habang buhay ka ng magiging maligaya.
Cartomancy:
King of Spades, Eight of Diamonds at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Bagamat mahirap ang iniisip mong takas an o hiwalayan na ang kasalukuyan mong kinakasama at pagkatapos ay mag-hangad na magkaroon ng isang normal na buhay at normal na pamilya, kusa naman itong mangyayari sa susunod na taong 2018.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending