Marawi ex-mayor dakma sa rebelyon | Bandera

Marawi ex-mayor dakma sa rebelyon

John Roson - June 08, 2017 - 03:24 PM

 Dinakip ng mga otoridad si dating Marawi City Mayor Fahad Salic sa Villanueva, Misamis Oriental, Miyerkules ng gabi, para sa rebelyon, ayon sa pulisya. Nadakip si Salic sa checkpoint sa Brgy. San Martin dakong alas-6:30, sabi ni Supt. Lemuel Gonda, tagapagsalita ng Northern Mindanao regional police. Inaresto ng mga miyembro ng Misamis Oriental Provincial Public Safety Company at Army ang dating alkalde para sa paglabag ng Article 134 ng Revised Penal Code o rebelyon, sabi ni Gonda Miyerkules ng gabi. Ang arrest order ay inisyu ng Department of National Defense at nilagdaan ni Sec. Delfin Lorenzana, ang administrator ng martial law sa Mindanao, ani Gonda. Skay si Salic at apat katao ng puting Ford Ranger (AFA-1151) nang maharang sa checkpoint ang sasakyan, aniya. Kinumpiska ng mga operatiba ang sasakyan at dinala si Salic sa Villanueva Police Station, ani Gonda. Si Salic, kilala sa alyas na “Pre,” ay dating mister ng artistang si Alma Moreno at tumakbo sa pagka-gobernador ng Lanao del Sur noong 2016 elections. Nitong Agosto, pinangalanan ni Pngulong Rodrigo Duterte si Salic s listahan ng mga nakaupo at retiradong opisyal ng gobyerno, mga pulis, at iba pa na sangkot diumano sa kalakalan ng iligal na droga. Ilang araw matapos salakayin ng Maute group ang Marawi City noong Mayo 23, kumalatang impormasyon na dati nang ginamit ni Salic ang grupo bilang “private army.” Dahil sa pagsalakay ng Maute, isinailalim ni Pangulong Duterte ang buong Mindanao sa martial law. Kinumpirma ni Brig. Gen. Gilbert Gapay, tagapagsalita ng martial law para sa Eastern Mindanao, ang pagkaaresto ni Salic. Ayon kay Gapay, nakatanggap din ang militar ng ulat na tumanggap ang Maute group ng pondo mula sa mga politikong sangkot sa iligal na droga, at nagamit pa nila bilang “private army.” Isang araw bago madakip si Salic, naaresto naman si Cayamora Maute, ama ng mga pinuno ng Maute group na sina Omar at Abdullah Maute, sa Davao City, para din sa rebelyon, batay sa utos ng Department of National Defense. Kinasuhan din sina Cayamora, ikalawa niyang misis, anak na babae, manugang, at driver ng illegal possession of firearms, explosives, and ammunition matapos matagpuan ang isang kargadong kal-.45 pistola at fragmentetion grenade sa kanilang sasakyan. Hanggang Huwebes ay sinusubukan pang gapiin ng mga tropa ng pamahalaan ang mga kasapi ng Maute group sa Marawi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending