HALER, mga ateng!
Hmmm…paano ko ba ipakikilala ang sarili ko nang hindi ny’o ako makikilala? Hihihi…
O sige, simula ngayon, ako na ang magiging ateng ninyo. ‘Yung ateng na pakialamera; yung may opinyon sa inyong buhay, puso at damdamin. Iyon bang ateng ninyo na hindi kayo nagkaroon (at nagpapasalamat kayo dun!).
Ako na ang ateng ninyo na pwede n’yong sabihan nang kahit ano, tanungin nang kahit ano (ay, wag lang pala tungkol sa Math) at kausapin tungkol sa kahit ano. Wag lang mang aano, ha?
Seriously, hindi ko naman alam ang lahat ng bagay; wala naman akong sagot sa lahat ng katanungan pero tutulungan ko kayong mag-isip ng ano ba ang pwedeng gawin, ano ba ang dapat isipin at paano ba gagawin.
So, parang kung ano lang sabihin ninyo sa akin, doon din lang babase ang mga sagot ko.
Don’t worry, pwede naman anonymous ang mga letters and question n’yo. I swear dalawa lang ang makakaalam – ako at ang buong mundo! Joke!
Minsan kasi ‘di ba kailangan lang natin ng fresh eyes to see things in a different perspective. Minsan din kailangan lang natin ng mapagkakatiwalaan na hindi bias at judgmental, kaya mas masarap kausap at kapalagayang loob ang isang total stranger. Kaya po ako nandito…
Gaya nga ng nasabi ko, hindi ko naman alam ang lahat ng bagay. Marami rin akong tanong. Pero natutuhan ko na sa abot ng aking kayang gawin, pwedeng tumulong kahit sa maliit na bagay lang.
Hindi po ako matamis magsalita. Kaya nga ateng na pakialamera.
Hindi rin po ako ang tagahimas ninyo sa likod, kaya nga ateng na may opinyon sa buhay ninyo. Ang inyo pong lingkod ay medyo sanay lang pong marinig ang mga kabigatan ng puso lalo na ng mga kababaihan.
Naniniwala po ako na hindi dapat umiiyak mag isa ang babae gaano man kasikreto ang kanyang sikreto.
Naniniwala po ako na hindi dapat nag-iisa ang babae sa anumang dinadala niya gaano man kadilim ang kinaroroonan nya. Kaya nandito po ang inyong lingkod para samahan kayong mag-isip, umiyak kung kinakailangan at maki-holding hands for a time hanggang keri n’yo na ulet harapin ang buhay.
Kaya sulat lang po at pakialaman natin ang buhay ninyo!
Ipadala ang inyong mga tanong, suliranin kay Ateng Beth sa [email protected] o mag-text sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.