Pia, Megan, Kylie rumampa sa New York ala-Charlie’s Angels; tinawag na ‘hawi queens’
REYNA-REYNAHAN sa kalye ng New York City ang beauty queens na sina Pia Wurtzbach, Kylie Versoza at Megan Young. Nasa NYC sila ngayon upang dumalo ng selebrasyon ng Philippine Independence Day.
Siyempre, patalbugan din ang tatlo sa kanilang outfits, casual man o formal ‘yon. Walang itulak-kabigin sa tatlo pagdating sa ganda at kaseksihan.
Sa isang video na ipinost ni Pia sa kanyang Instagram, pinaglaruan nila si Jonas Gafud ng Mercator. Umakto ang tatlo bilang security/bodyguards at binigyang-daan si Jonas na siyang tunay daw na Queen, huh! Para silang Charlie’s Angels!
Pati dinaanan ni Gafud ay sinekyur nila sa post naman ni Megan na may caption na: “I said get outta the way!!!” Tinawag pa niya ang kanilang grupo na Hawi Queens!
Poise na poise man sina Pia, Kylie at Megan, lumutang pa rin ang kakikayan nila sa NYC!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.