Paul: Dahil lang sa P2,000 ito ang sinapit ko! | Bandera

Paul: Dahil lang sa P2,000 ito ang sinapit ko!

Ervin Santiago - June 06, 2017 - 12:25 AM

NANG dahil lang daw sa dalawang libong piso (P2,000) ay nadamay ang dating PBA player na si Paul Alvarez sa kaso ng ilegal na droga.

Ito ang paliwanag ni Paul sa panayam ng Rated K last Sunday matapos ngang maaresto at makulong dahil sa paggamit diumano ng droga. Ayon sa ulat, nahuli sa isang drug bust operation ang dating basketbolista habang magpa-pot session sa isang lugar sa Q.C. kasama ang dalawa pang lalaki.

Sinabi ng former PBA player, feeling niya ay na-set up siya sa nasabing police operation. Papunta raw kasi sana siya ng Baguio kaya nangutang siya ng pera sa isang kakilala na nakatira sa lugar kung saan siya naaresto.

“‘Yung kaibigan kong tumutulong sa akin na akala ko’y kaibigan ko, pinuntahan ako sa condo ko sa Valenzuela. Pahiramin niya daw ako ng dalawang libo so sinama niya ako diyan. ‘Yun pala, ito lang gagawin sa akin. Dahil sa dalawang libo, ito’ng sinapit ko.

“Sinong tutulong eh, dalawang libo nga, walang tumutulong sa akin. Ito pa kaya, di ba niya naisip ‘yun? Kaya wala, talagang wala kang kapag-asa, pag-asa talaga. Nakakahiya talaga,” sabi pa ni Paul sa interview ng programa ni Korina Sanchez.

Noong 2011 ay nasangkot na rin ang dating basketbolista sa isyu ng droga. Naging kontrobersyal din ang paghihiwalay nila noon ng dating asawang si Almira Muhlach. Nitong nakaraang Abril 23 naman ay inaresto rin ng mga pulis si Paul sa Baguio dahil sa pananakit diumano sa kanyang kinakasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending