Robin Nievera, Zia Quizon matagal nang magdyowa, di lang ma-PDA | Bandera

Robin Nievera, Zia Quizon matagal nang magdyowa, di lang ma-PDA

Reggee Bonoan |June 03,2017
facebook
share this

Robin Nievera, Zia Quizon matagal nang magdyowa, di lang ma-PDA

Reggee Bonoan - June 03, 2017 - 12:15 AM

ROBIN NIEVERA AT ZIA QUIZON

MAGKARELASYON pala sina Robin Nievera at Zia Quizon. Kaya kung magkakatuluyan ang dalawa magiging mag-balae na sina Pops Fernandez at Zsa Zsa Padilla.

Aksidenteng nabanggit lang ito sa amin ng isang kakilala na kilala rin ang pamilya nina Zsa Zsa at Pops.

Nag-check kami sa Instagram account nina Robin at Zia pero hindi namin mahanap ang litratong magkasama sila base sa kuwento ng common friend namin nina Zsa Zsa at Pops.

Marahil ay hindi lang ma-PDA o public display of affection sina Robin at Zia tulad ng ibang ibang celebrities na talagang proud na proud sa kanilang karelasyon. Sabagay, kanya-kanyang style lang naman ‘yan.

Natawa lang kami sa kuwento friend namin na may running joke raw sa mag-balae kapag ikinasal na sina Robin at Zia – sino raw kaya sa dalawang diva ang may magandang gown dahil tiyak na magpapatalbugan daw ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending