Anne, Iza pumayag magkontrabida kay Liza sa ‘Darna’
WE knew it!
Si Liza Soberano na nga ang napili ng Star Cinema executives para pumalit kay Angel Locsin sa bagong movie version ng “Darna”.
Excited na ngayon pa lang ang LizQuen fans sa paglipad ng dalaga bilang Darna, kabilang na rin ang pamilya ng yumaong Mars Ravelo na matagal ding naghintay kung sino ang gaganap sa iconic Pinoy heroine na unang nilikha para sa komiks.
Sabi nga ng isang kaanak ni Mars Ravelo, “We have been waiting for Star Cinema to make the announcement. They actually tried to get our opinion pero we told them na for as long as mag-stick sila sa original concept and characterization ni Darna na creation ng aming ama, we see no problem. So far, we have no question on Liza being the chosen one.”
Kinlaro din ng mga anak ni Mars Ravelo na hindi nga dapat na tawaging Pinoy version ni Wonder Woman ang obra ng kanilang ama dahil anila, “It was patterned to our mother. Yung pagiging super woman niya. Yung pagiging independent, strong willed and yet very loving and caring at Pinay na Pinay ang ugali.
“We should say na since na-witness namin ang paglikha ng aming ama kay Darna, mas pattern siya kay Superman,” dagdag pang kuwento ng isa sa mga Ravelos na umaasang sa gitna ng dinaranas na krisis ng bansa, lalo na sa Mindanao, ay makapagdulot ng maganda at positibong inspirasyon si Darna sa mga Pinoy.
Marami pa rin ang nagsasabi na since si direk Erik Matti nga ang magdidirek ng “Darna”, may duda ang ilang netizens sa posibleng paglalagay ng “political undertone” sa pelikula. Kilala kasi ang direktor sa pakikialam sa mga isyu ng bayan, partikular ang pagiging anti-Duterte nito.
Matatandaang kinuyog ng netizens ang direktor nang murahin niya ang lahat ng mga bumoto sa Pangulo pagkatapos nga nitong magdeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Hmmmm, dahil diyan ay mas lalong naging very interesting na case study for us ang “Darna”.
Star Cinema is the number one movie outfit sa bansa at walang dudang magagawa nilang pang-world-class ang kuwento at produksyon ng “Darna”.
At ngayong si Liza Soberano na nga ang bibida rito, naniniwala kaming magiging pang-international na rin ang kanyang karera, whose beauty, intelligence and being a very sweet lady can make her a superstar and an inspiration to many.
For sure, hindi mga pocho-pocho lang ang isasama sa kanya sa pelikula lalo pa’t this early ay pinag-uusapan nang gawing kontrabida sina Anne Curtis at Iza Calzado, plus may Maricel Soriano pa kaming naririnig na gaganap daw na nanay ni Liza.
At pahuhuli ba si Enrique Gil bilang leading man ni Liza sa “Darna”? Siguradong hindi lang din basta-basta dekorasyon lang ang magiging role ng binata sa movie? And the famous Ding role? Marami ang nababalitaan nating nasa listahan ng pagpipilian – nandiyan sina Onyok Pineda at Alonzo Muhlach.
Pero ang balita, si Onyok na raw ang napiling Ding kaya kinailangan na itong i-pullout sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Kung matutuloy ang original plan, balitang ang “Darna” ang isasali ng Star Cinema sa MMFF 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.