Kasamaan laban sa kabutihan sa nalalapit na pagtatapos ng ‘My Dear Heart’ sa ABS-CBN | Bandera

Kasamaan laban sa kabutihan sa nalalapit na pagtatapos ng ‘My Dear Heart’ sa ABS-CBN

- June 01, 2017 - 12:10 AM

KINAPITAN at mas sinuportahan ng mga manonood ang pagpapakita ng katatagan ng pamilya nina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) kasama sina Gia (Ria Atayde) at Margaret (Coney Reyes) para maligtas ang buhay ni Heart (Heart Ramos) sa My Dear Heart.

Kaya naman namayagpag ito sa TV ratings sa buong bansa nitong huling mga araw.

Tinutukan nga ang patuloy na paglaban ni Heart sa kanyang karamdaman noong Biyernes matapos ang kanyang biglang panghihina na nagkamit ng national TV rating na 26.9%, kumpara sa huling episode ng katapat nitong show na nakakuha ng 18.6%, base sa datos ng Kantar Media na sakop ang urban at rural na kabahayan sa bansa.

Ipinadama rin ng mga manonood ang suporta nila para sa palabas hanggang Lunes (May 29), kung saan natuklasan na ni Gia ang paglason ni Francis (Eric Quizon) sa kanyang anak, na nagtala naman ng national TV rating na 28%.

Tinutukan din ng netizens ang makapigil-hiningang mga tagpo sa serye matapos maging trending topics sa Twitter ang official hashtags ng palabas na #MDHKapitLang at #MDHSalarin matapos makakuha ng libo-libong tweets.

Samantala, ngayon ngang alam na nina Jude, Clara, Gia, at Margaret na may gustong maglagay sa panganib sa buhay ni Heart, patuloy nilang aalamin ang katotohahan at hahanapin ang salarin upang pagbayarin ang kanyang kasalanan.

Ngunit hindi naman magpapahuli si Francis na patuloy silang paiikutin sa kanyang mga kasinungalingan.

Ano ang kanilang gagawin kapag nalaman nilang si Francis na tinuturing nilang kaibigan ang tumatraydor sa kanila? Mailigtas pa kaya si Heart bago mahuli ang lahat?

Huwag palampasin ang teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang My Dear Heart, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending