Matteo Do ng Korea at Pinas kikilatisin sa KMJS | Bandera

Matteo Do ng Korea at Pinas kikilatisin sa KMJS

- May 28, 2017 - 12:25 AM

gil cuerva

NGAYONG gabi, tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang dalawang lalaking kilala bilang si Matteo Do ng hit Koreanovela na My Love from the Star—si Korean heartthrob Kim Soo-Hyun at si Kapuso Rising Star Gil Cuerva.

Halos sumabog ang mundo ng Korean drama fans nang dumating dito sa Pilipinas nitong weekend ang Korean actor na si Kim Soo-Hyun. Siya ang gumanap na Matteo Do sa Koreanovelang My Love From the Star. Ang kanyang role, bibigyang-buhay ngayon ng hunk model turned actor na Gil Cuerva sa Philippine Adaptation ng serye. Mas kilalanin pa sa KMJS ang Pinoy Matteo Do.

Dalawang kuwento ng pag-ibig ang pumukaw sa kamalayan ng netizens nitong nakaraang mga araw. Una na riyan ang pagpapakasal ng groom na si Christian, na kahit paralisado at naka-wheelchair, sumumpa ng wagas na pagmamahal sa kanyang bride na si Angela.

Marami rin ang kinilig sa litrato ng magkasintahan mula Gen San kung saan makikitang inaalalayan ng lalaki ang naka-wheelchair naman niyang nobya. Sa gitna ng mga kaguluhan, napapanahong damhin ang kapangyarihan ng pag-ibig.

Samantala, mas masaya nga raw ang piyesta sa Pilipinas kapag may mga palaro! Tulad na lang sa bayan ng Valencia sa Negros Oriental, magpadausdos sakay-sakay ang kanilang ligiron o improvised kariton.

Habang sa bayan naman ng Peñaranda sa Nueva Ecija, magkarerahan sakay ng mga balsa. May mga sipit naman ang pinagpupustahan sa pabilisan sa bayan ng Calauag sa Quezon—ang mga alimango.

Kakaiba naman magbenta ng mga baboy sa Dalaguete, Cebu. Tila sanggol itong inilalatag sa saha ng saging para raw ang mga baboy mapreskuhan, ma-relax at makatulog! Abangan lahat ‘yan sa KMJS ngayong Linggo, after Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending