MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Palagi po akong nagbabasa ng inyong pahayagan. Nabalitaan ko po ang tungkol sa DOLE clinic. Gusto ko po na linawin kung ito po ba ay may kinalaman sa kalusugan na kung saan ay maaari nang magpa-check up ang mga empleyado diyan sa DOLE clinic o may kinalaman po ito sa pangangailangan ng mga manggagawa. Ano po ang maitutulong nito sa tulad ko na isang emplyado sa pribadong sektor? Umaasa ako na agad na matutugunan ang aking katanungan. Salamat po.
Mrs. Juanita Gonzales
Arandia st.
Tunasan,
Muntinlupa City
REPLY: Para sa inyong katanungan Gng. Gonzales: Ang DOLE clinic ay isang mekanismo upang mas ilapit ang DOLE sa mga komunidad sa pamamagitan ng pre-employment facilitation, labor standards enforcement, dispute resolution at tulong pangkabuhayan.
Layunin nito ay upang mas mapabilis at maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo ng DOLE.
Ang lahat ng regional directors ay magbubukas ng DOLE Clinics sa mga Public Employment Service Offices (PESO) sa mga local government unit (LGUs) sa buong bansa.
Ito ang magiging sentro ng serbisyo publiko ng DOLE hanggang sa lebel ng mga komunidad. Magbibigay ito ng impormasyon, serbisyo, at tulong sa iba’t-ibang sangay at ahensya sa mga isyu sa trabaho sa lokal at ibang bansa, mga benepisyo sa ilalim ng general labor standards at occupational safety and health standards, labor relations, at tulong pangkabuhayan.
Ang lahat ng kagawaran at ahensya ng DOLE ay inaatasang magbigay ng mga kinakailangang information, education and communications materials na naaayon sa kanilang kakayahan at mandato sa mga nasasakupan nitong lugar upang umagapay at tumulong sa DOLE community outreach program.
Lahat ng mga regional director ay dapat na siguruhin na ang mga materyales sa Labor and Employment Education Services (LEES) ay nakahanda at madaling makuha ng publiko sa mga LGU sa pamamagitan ng PESO.
Kasunod ng pagtatayo ng community service program, ang mga DOLE regional offices, bureaus, at agencies ay magsasagawa ng one-day forum sa mga isyu sa labor and employment ng isang beses kada buwan at makikipagtulungan sa mga LGU.
Ang mga miyembro ng komite ay ang chairperson ng National Labor Relations Commission, mga administrator ng Overseas Workers Welfare Administration at Philippine Overseas Employment Administration, ang executive eirector ng National Conciliation and Mediation Board, at mga direktor ng Bureau of Working Conditions, Bureau of Labor Relations, Bureau of Local Employment, Bureau of Workers with Special Concerns, kasama ang Administrative Service bilang secretariat.
Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.