UAAP Season 80 host FEU magsasagawa ng pagbabago | Bandera

UAAP Season 80 host FEU magsasagawa ng pagbabago

Angelito Oredo - May 22, 2017 - 11:00 PM

KAKAIBANG programa at aktibidad ang ninanais maisagawa ng UAAP Season 80 host Far Eastern University sa pagbubukas ng liga alinman sa buwan ng Agosto o Setyembre.

Inihayag ng mga opisyales ng host FEU na maraming isasagawang pagbabago ang liga at mas lalo nitong paiigtingin ang mga kompetisyon sa pagsasagawa ng inobasyon sa mga pinaglalabanang sports.

Una na rito ang pahayag ni FEU president Michael Alba na mas magiging aktibo ang mga kinatawan ng bawat eskuwelahan sa isasakatuparang pagbabago sa UAAP Season 80 tampok ang pagkakasali mismo sa mga gawain ng mga pangulo ng kasaling unibersidad.

“Our focus now is on setting up a new structure for the UAAP. The board now consists of presidents of member universities and the old board will now become the board of managing directors,” pahayag ni Alba na incoming UAAP board chairman.

Sinabi ni Alba na ang bagong UAAP board ay bubuo ng iba’t-ibang grupo para punuan ang risk and audit committees alinsunod sa bagong by laws ng liga sa hangad na rin nito na mapantayan o mahigitan pa ang tagumpay ng 2016 host na UST.

Ipinaliwanag naman ni FEU Board Representative to UAAP Anton Montinola na pangungunahan ng mga university presidents ang pagbuo ng mga polisiya ng liga habang ang mga dating board of trustees ang siyang hahawak sa pagpapatakbo ng liga.

Ilan sa mga plano sa Season 80 ay ang pagsasagawa ng 3×3 hoops at ang All Star women’s volleyball match.

“We’re thinking of holding 3×3 basketball, holding an All Star game for women’s volleyball with all the stars together, a cheerdance for high school girls, holding beach volleyball and football at night so athletes won’t suffer from the heat,” sabi ni Montinola.

Samantala, hinirang ang Adamson University softball player na si Angelie Ursabia at Ateneo swimmer na si Aldo Batungbacal bilang UAAP Athlete of the Year sa pagtatapos ng Season 79 sa isang seremonya na ginanap sa Plaza Mayor sa loob ng University of Santo Tomas campus noong Sabado.

Muling kinoronahan ang UST bilang seniors general champions para sa ika-41 pagkakataon at juniors overall titlist sa ika-17 beses.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending