Sulat mula kay Zandra ng San Vicente, Apalit, Pampanga
Dear Sir Greenfield,
Bago ko napangasawa ang kinakasama ko ay mayroon siya ka-live-in. At sabi niya sa akin ay hindi sila kasal ng dating ka-live-in niya. Kaya nang sinagot ko siya ay pinakasalan niya ako kaya kami nga ang naging legal na mag-asawa. Ang problema ay walang ano-ano ay bigla na lang lumutang ang dating ka-live-in ng mister ko at nakipagkita sa kanya at may anak pala sila. Nagkausap kami ng babae at ang sabi sa akin, kahit daw ano ang mangyari ay babawiin niya sa akin ang mister ko. Alam n’yo, Sir Greenfield, natatakot ako sa susunod na mangyayari. May habol ba sa mister ko ang babaeng ito at maaari bang magkatotoo ang kanyang pananakot na babawiin niya ang mister ko sa kahit anong paraan daw? Ano po ba ang nakikita n’yo sa aking palad? Darating kaya ang panahong iiwan ako ng mister ko at muli siyang magbabalik sa kanyang ka-live-in? April 10, 1987 ang birthday ko at December 4, 1986 naman ang birthday ng msiter ko.
Umaasa,
Sayti ng Zandra ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi ka dapat mag-alala, Zandra, anuman ang sitwasyon mo sa kasalukuyan sapagkat iisa lang naman at makapal ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad at may magandang Heart Line ka (arrow 2.). Ibig sabihin, kahit ano pa ang mangyari sa ngayon, sa bandang huli ay kayo pa rin ng mister mo ang magsasama habangbuhay.
Cartomancy:
Ten of Hearts, King of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung kayamanan o may kaya sa buhay ang mister mo, tulad ng nasabi na, kahit maghabol nang maghabol sa kanya ang dati niyang ka-live-in ay wala siyang magagawa. Ang Ten of Hearts ang nagtakda—kayo na ang magsasama habangbuhay, sapagkat bago pa likhain ang mundo ay kayo na ang itinakda ng tadhana sa isa’t-isa.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.