Hindi tayo tau-tauhan ng mga puti | Bandera

Hindi tayo tau-tauhan ng mga puti

Ramon Tulfo - May 20, 2017 - 12:10 AM

NAPAKA-ESTUPIDO naman natin kung tatanggihan natin ang malaking tulong-pinansiyal ng ibang bansa lalo na kung makakatulong ito sa kapayapaan sa Mindanao.

Pero may kondisyon ang European Union (EU), isang grupo ng mga bansa sa Europa maliban lang sa Britanya, sa tulong na 250 million euros ($278.7 million): Itigil na ng ating gobiyerno ang mga extrajudicial killings (EJK).

Nagpanting ang tenga ni Pangulong Digong.

Gaya ng nakagawian ni Digong kapag siya’y napipikon, sinabi niya sa European Union, “Ipasok na lang ninyo ang inyong financial aid sa inyong puwit.”

In short, nag-dirty finger si Digong.

Tama lang ang ginawa ni Digong.

No self-respecting nation would want to be pushed around by other countries.

Ginagawa naman tayong mga pulubi ng EU.

Niyuyurakan ng EU ang sobereniya ng Pilipinas sa ginawa nilang pagdikta sa ating bansa kung paano magpatakbo ng ating gobiyerno.

Sa mahabang panahon, dinidiktahan ang Pilipinas ng mga ibang bansa, gaya ng US at Europa, kung paano patakbuhin ang gobiyerno at kung paano gagastusin nito ang mga foreign aids.

Tango lang ng tango ang mga nakaraang administrasyon dahil ayaw nilang mawalan tayo ng mga malalaking tulong na galing sa ibang bansa.

Pero mas gugustuhin pa ni Digong na magutom ang bansa kesa magmukhang pulubi.

We should value our national pride.

Dapat ipagmalaki natin si Digong sa ibang bansa dahil siya ang bukod-tanging lider natin na kumakasa sa pang-aapi ng mga Western powers.

Ang akala kasi ng mga white monkeys na yan ay amo pa rin sila ng kayumangging unggoy o mga Pilipino.

Hanggang ngayon, parang colony pa rin ang dating natin sa mga Western countries dahil ang kanilang foreign aid ay dapat may kondisyon upang ibigay sa atin.

Pinakikita natin sa kanila na hindi na tayo mga alipin nila.

***

Noong commonwealth era o bago sumiklab ang Pangalawang Digmaan, may mga paunawa na nakapaskil sa pintuan ng mga lugar kung saan kumakain ang mga Amerikano at ibang lahing puti: “Dogs and Filipinos not allowed.”

Ganoon din ang nangyari sa China bago ang Digmaan kung saan ang mga lugar na kinakain ng mga puti ay may paskil na, “Chinese and dogs not allowed here.”

Come to think of it, ang mga tao sa Asya noon na hindi dominado ng mga puti ay mga Hapon.

Ipinakita ng mga Hapon na kayang talunin ang mga puti nang nagapi nila ang mga Amerikano at British in the early years of World War II.

***

Lumaban ang ating mga sundalo sa mga Hapon sa Bataan at Corregidor kasama ng mga tropang Amerikano.

Nagbuwis ng maraming dugo ang mga Pinoy at sumama sa pagkatalo ng mga Kano.

Pero matapos ang Gerra, hindi kinilala ng US government ang pakikipaglaban ng mga sundalong Pinoy  sa mga Hapon nang hindi binigyan ang mga ito ng mga pension.

Pero yung mga Kano na lumaban kasama ang mga Pinoy ay binigyan ng mga pension.

Ganoon kaliit ang tingin sa atin ng America.

***

Ang tatay ko na si Ramon Sr., na lumaban sa Bataan bilang opisyal, nag-survive ng Death March at concentration camp sa Capas, Tarlac, ay namatay noong 1985 na masama ang loob sa America.
“Tinuring kaming basahan ng America, hijo,” anya sa akin.

Hanggang ngayon tinuturing pa rin ng US ang Pilipinas na parang “welcome mat” na apak-apakan lamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinakikita ni Digong na hindi na tayo tau-tauhan ng mga Amerikano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending