Pilipinas kampeon sa 2017 SEABA Men's Championship | Bandera

Pilipinas kampeon sa 2017 SEABA Men’s Championship

Angelito Oredo - May 18, 2017 - 09:37 PM

Final Standings:  Philippines (6-0); Indonesia (5-1); Thailand (4-2); Malaysia (3-3);  Singapore (2-4); Vietnam (1-5); Myanmar (0-6)

TINALO ng Gilas Pilipinas ang Indonesia, 97-64, para mawalis ang lahat ng nakalaban nito at tanghaling kampeon ng 2017 SEABA Men’s Championship Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Gumawa ng 21 puntos at 10 rebounds si Andray Blatche para pangunahan ang Pilipinas na nakakuha rin ng silya para sa 2017 FIBA Asia Cup sa Agosto 10-20 sa Lebanon at sa 2019 FIBA World Cup qualifying tournament na magsisimula sa Nobyembre.

Nagawang hawakan ng Indonesia ang tatlong puntos na abante sa iskor na 5-2 na pinakamalaking kalamangan ng isang koponan kontra sa Gilas.

Pero agad na naghulog ng 20-7 bomba ang Pilipinas upang makuha ang abante at hindi na lumingon pa.

Sa pagtatapos ng yugto ay lamang ang home team, 34-14.

Nagbanta pa ang mga Indons sa pagsisimula ng ikalawang yugto kung saan pinigilan nito ang Gilas sa dalawang puntos lamang sa loob ng limang minuto upang lumapit sa 21-36. Subalit nagpakawala ng tres si Blatche na nagpasimula sa 15-9 atake upang makalamang ng 51-30 sa halftime break.

Iniuwi naman ng Thailand (1-2) ang tansong medalya sa pagpapalasap ng ikaapat nitong sunod na kabiguan sa Singapore, 73-67.

Nakuha  ng Thailand ang ikatlong puwesto sa kartadang 4-2.

Nasungkit naman ng Malaysia ang ikaapat na puwesto matapos makuha ang ikatlong sunod na panalo kahapon kontra Myanmar, 96-71.

Si Liaw Chee Huei ang namuno para sa  Malaysians sa kinamada niyang 25 puntos mula sa 12-of-13 field goal shooting. Humugot din siya ng pitong rebounds, limang assists at dalawang steals.

Nagtala naman ng  double-double performance si Chin Zhi Shin  na may  22 puntos at 13  rebounds.
Nasa ikalimang puwesto naman ang Singapore na tinisod ang Vietnam, 73-60, kahapon para magtapos na may 2-4 baraha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Delvin Goh ay may 15 puntos, 10 rebounds, apat na assists at dalawang  blocks para sa Singapore habang si Leon Kwek ay nagdagdag ng 15 puntos, pitong boards at anim na assists para sa Singapore.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending