Makapag-aabroad ba si misis? | Bandera

Makapag-aabroad ba si misis?

Joseph Greenfield |May 18,2017
facebook
share this

Makapag-aabroad ba si misis?

Joseph Greenfield - May 18, 2017 - 02:19 PM

Sulat mula kay Baron ng Bantan, Orion, Bataan
Dear Sir Greenfield,

Matagal ng nagaaplay ang misis ko sa abroad bilang D.H. pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakaalis. Kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo, kung may pag-asa pa kaya siyang maka-alis? Malaki-laki na rin kasi ang nauubos namin sa mga papeles at sa kung ano-ano pang gastusin, pero ang pangako sa kanya ng agency ay tatawagan, until now hindi pa rin siya tinatawagan, kaya naaawa na ako sa kanya, kasi inip na inip na siya at lungkot na lungkot na siya sa buhay nya. Ano ba sa palagay nyo, makaka-alis pa ba ang misis ko o pag aaplayin ko na lang siya ng ibang trabaho sa local para hindi siya mainip? August 7, 1989 ang birthday ng misis ko at November 28, 1984 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Baron ng Orion, Bataan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa photo copy ng palad ng iyong misis may malinaw siyang Travel Line (Illustration 2-2. arrow 2.) sa kanyang palad at ikaw din. Ibig sabihin kung gugustuhin mo pareho kayong makapag-aabroad sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.
Cartomancy:
Hindi dapat tumigil sa pag-aaplay. Sa halip ay dapat pa ring umasa at magpirsige si misis na makapangingibang bansa, dahil ang barahang Nine of Hearts, Nine of Diamonds at Ace of Diamonds (Illustration 1.) ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017, isa sa inyo ni misis ang makapanginibang bansa at sa ibang bansa ay kikita kayo ng malaking halaga.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending