IPINAHIWATIG ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa, hepe ng pambansang pulisya o PNP, na maaaring tumakbo siya pagka-Senador sa darating na halalan.
Kaya pala wala nang ginawa ang kumag na ito kundi magpatawa dahil maraming botante na bobo.
Sa ating bansa, hindi isyu o anong magagawa ng isang kandidato sa bayan kundi popularidad o pera upang siya’y iboto.
Kapag ikaw ay maraming pera at kaya mong suhulan ang mga botante, ikaw ay iboboto.
Kung wala ka namang pera pero ikaw ay lubhang tanyag sa masa kahit na wala kang utak, ikaw ay iboboto rin.
Failure si Bato bilang PNP chief dahil maraming ginawang kapalpakan ang kapulisan sa kanyang pamamahala.
Ang pagpatay kay Jee Ick Joo, isang negosyanteng Koreano na kinidnap ng mga pulis at sinakal sa isang opisina sa loob ng Camp Crame na malapit sa official residence ni Bato, ang pinakamalaking abuso na ginawa ng kapulisan.
Isa pang pang-aabuso ng pulis ay pagkulong na parang mga baboy sa mga drug suspects sa police station sa Tondo, Manila na kanyang ipinagtanggol.
Wala sa isip ni Bato ang kanyang trabaho. Halimbawa, noong kasagsagan ng balita sa pagkidnap at pagpatay kay Jee Ick Joo, nakuha pang magpunta ng PNP chief sa isang concert at nakuhanan na nagtatatalon na parang chimpanzee habang nanonood ng performance.
Noong bising-bisi ang paghahanda ng seguridad para sa mga delegado ng ASEAN Summit sa Maynila, nagpaalam pero di pinayagan si Bato na maging miyembro ng panel of judges sa isang beauty contest sa Tagbilaran City, Bohol.
Ang balita na nakuha ng inyong lingkod ay pinagalitan siya ni Pangulong Digong dahil inaaatupag pa raw niya ang isang manood ng mga babaeng naka-bikini pero hindi ang kaligtasan ng mga heads of state ng mga bansang ASEAN.
Malayo si Bato sa mga nauna sa kanya na mga PNP chiefs dahil pino at disente silang kumilos di gaya niya na parang bugoy.
Sa kanyang pananalita, parang hindi si four-star general kundi isang bagong PO1.
Pero kahit na anong sabihin tungkol sa pagiging palpak niya bilang hepe ng pambansang pulisya, makikagpustahan ako ng pitpitan ng bayag na mananalo siya.
Bakit? Dahil ang karamihan sa botanteng Pilipino ay bobo at tanga!
***
Nagbalik si Ariel Pasmo ng Calbayog City, Samar sa Pilipinas upang magbakasyon ng dalawang linggo.
Pinakaasam-asam ni Ariel ang bakasyon dahil matagal siyang babad sa kanyang trabaho bilang information technology consultant sa Singapore.
Pero naunsiyame ang bakasyon ni Ariel dahil napunit ang kanyang passport ng immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3.
Kapag nagbalik siya ng Singapore in two weeks, pauuwiin siya dahil punit ang kanyang passport.
Sinabi niya sa immigration officer, “Paano, ma’am, napunit n’yo ang aking passport. Anong gagawin n’yo?”
Patay-malisya ang immigration officer na si Dianne Gumabon, pati na ang mga immigration supervisors na sina Jemma Driz at Luz Herrera.
Wala na raw silang magagawa dahil di naman daw sinasadya.
Hindi tinulungan si Ariel na makakuha ng panibagong passport ng immigration officers at siya mismo ang pumunta at naghintay sa processing ng bagong passport sa Department of Foreign Affairs.
Dahil dito ay halos lahat ng dalawang linggo na dapat ay nakapiling ang kanyang pamilya ay ginugol niya sa pagpa-follow up ng bagong passport.
Dalawang araw bago ang takdang araw sa kanyang flight pabalik ng Singapore ay hindi pa rin niya nakukuha ang kanyang passport.
May nakapagsabi na pumunta sa tanggapan ng Isumbong mo kay Tulfo upang ihinga ang kanyang sama ng loob.
Mabilis ang pagkilos ng mga “Tulfo’s angels” upang matulungan si Ariel.
Nakiusap kami kay DFA Asst. Secretary for Cultural Affairs Frank Cimafranca, in-charge ng passport division, upang maibigay kaagad ang passport ni Ariel.
Sinabi namin ang kanyang kalagayan at naunawaan naman ni Cimafranca. Noon ding araw na yun ay nakuha ni Ariel ang kanyang passport.
Meanwhile, gumawa ng Special Power of Attorney si Ariel upang kami sa “Isumbong” ang umusig sa mga immigration officers na naging dahilan sa pagkaunsiyame ng bakasyon ng OFW.
Nakabalik si Ariel sa kanyang trabaho sa Singapore.
Abangan ang parusang igagawad ng pamunuan ng Bureau of Immigration kina Gumabon, Driz at Herrera dahil sa hindi nila pagtulong kay Ariel na makakuha ng bagong passport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.