Totoong motibo sa impeach Du30 | Bandera

Totoong motibo sa impeach Du30

Leifbilly Begas - May 17, 2017 - 12:10 AM

SIMULA’T simula ay alam naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano na suntok sa buwan ang paghahain niya ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.

Alam naman natin na pklitika ang impeachment process at pagdating sa bilangan ay lamang ang mga kakampi ng Malacanang.

At mistulang nagpakita ng lakas ang supermajority sa pagdinig ng House committee on justice at ibasura nito nang walang kahirap-hirap ang reklamo na nakaangkla sa extrajudicial killings, umano’y tagong yaman ni Duterte na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth at posisyon ng Pangulo sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo.

Hindi pa nagsisimula ang bilangan ay tiyak na ang pagbasura sa reklamo.

Ang tanong na lang ay kung paano. Kung dati, ipinapasa sa sufficiency in form ang reklamo at sa sumunod na pagdinig ito ibabasura dahil insufficient in substance, ngayon magkasabay itong ginawa sa isang araw.

Kung alam na ni Alejano at ng kanyang grupo na mababasura ang reklamo bakit pa nila ito ginawa, tanong ito ng marami.

Bakit ka mag-aaksaya sa laban sa wala kang kapana-panalo?

Noong panahon nga ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na mababa ang popularity rating hindi pumasa ang impeachment complaint, ngayon pa na napakabango ni Pangulong Duterte.

Ang Kamara ang susi kung mayroong mai-impeach na opisyal.

Noong panahon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, napa-impeach si Ombudsman Merceditas Gutierrez. Pero bago nag-umpisa ang impeachment trial sa Senado ay nagbitiw na siya sa puwesto kaya nabalewala ito.

Sumunod naman si Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Ang kanyang kaso ang nakakompleto ng proseso.

Mula sa paghahain ng reklamo, pagdinig sa House committee on justice, pag-akyat nito sa Senado para sa impeachment trial at botohan na nagtanggal sa kanya sa puwesto.

Dumagdag pa sa tiyak na pagkatalo ng impeachment ang paglipat ng ilang miyembro ng Liberal Party sa PDP-Laban.

Ang duda ng marami, gusto lang ipakita ng nagreklamo na wala nang paraan sa bansa para mapanagot si Duterte.

Baka daw ang ultimate goal ay gumawa ng paraan para makapanghimasok ang International Criminal Court sa pamamalakad sa bansa.

Ito nga ba ang dahilan kung bakit isinampa ang reklamo? Palagay nyo?

Sana naman ay bilis-bilisan ang ginagawang drainage sa General Luna st., tapat ng SM San Mateo.

Lalo kasing sumikip ang masikip na kalsada kaya napakatrapik sa lugar.

Kung aabutin ng pasukan ang ginagawang ito ay tiyak na maraming male-late na estudyante at papasok sa trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakainis lang kasing makita na habang marami ang napeperhuwisyo ng trapik ay wala kang nakikitang gumagawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending