Sa abroad aasenso | Bandera

Sa abroad aasenso

Joseph Greenfield |May 16,2017
facebook
share this

Sa abroad aasenso

Joseph Greenfield - May 16, 2017 - 12:16 AM

Sulat mula kay Karen ng Lima, Pastrana, Leyte
Dear Sir Greenfield,

Tapos ako ng kursong nursing at marami na akong napasukang ospital pero wala rin pong nangyayari sa akin sa halip nababaon pa ako sa mga pagkakautang kasi nga po maliit lang ang suweldo ko. Nahihiya na nga po ako sa mga magulang ko kasi sa kanila ako nangungutang at umaasa kapag nagigipit ako, gayong pinag-aral na nila ako ay umaasa pa rin ako sa kanila hanggang ngayon. Itatanong ko lang sana kung sakali bang mag-aplay ako sa abroad, may pag-asa kaya akong maka-alis at magkaroon ng magandang buhay sa ibayong dagat? July 1, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng Pastrana, Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry;
Sadyang kitang-kita ang malinaw, malawak at maraminng Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1. arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung lakas loob kang mag-aaplay sa abroad kaysa dito lang sa ating bansa mamasukan, tiyak ang magaganap, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may isang mabunga at mabiyayang pangingiang bansang mararanasan.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Seven of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking hindi rin iba sa iyo, maaaring kamag-anak mo o dati mo ng kakilala, sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Hulyo o kaya’y Oktubre, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending