Maine naging emosyonal, inialay ang surprise party sa pumanaw na loyal fan | Bandera

Maine naging emosyonal, inialay ang surprise party sa pumanaw na loyal fan

- May 15, 2017 - 12:01 AM

maine mendoza

INIALAY ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza ang surprise thanksgiving party ng kanyang mga tagasuporta sa isa niyang loyal fan na namatay kamakailan.

Naging emosyonal si Maine nang magpasalamat sa patuloy na pagmamahal at suporta ng kanyang mga fans sa nasabing event. Kasabay nito, buong-puso niyang inialay ang kabuuan ng party kay Raz Alfaro, ang miyembro ng Solid Maine United fans club na pumanaw last March.

In fairness, kahit na punumpuno ang schedule ni Maine ay talagang naglaan siya ng oras para makasama sa isang intimate gathering ang kanyang mga supporter. Ginanap ang sorpresang party para kay Yaya Dub sa Whiterock Waterpark & Beach Hotel sa Subic, Zambales.

Maraming guests ang nakisaya sa party, kabilang na ang kanyang pamilya, malapit na mga kaibigan, at siyempre ang mga loyal fans ni Maine na talagang nag-effort para mapaligaya lang siya.

Nagsilbi na ring belated birthday celebration ang party para kay Maine, na nagdiwang ng kanyang 22nd birthday noong Marso. Ito ang ikalawang taon na nagdiwang si Maine ng kanyang kaawaran kasama ang mga fans.

Naghanda ng dance at musical numbers ang mga miyembro ng Solid Maine United na siyang nag-organize ng event para kay Maine. Pero ang highlight ng pagdiriwang ay ang pagpapalipad nila ng sky lanterns.

Sabi ni Gwen Gencianos ng Solid Maine United, “For the party this year, isa sa mga gustong gawin ni Maine was magpalipad ng sky lanterns. So since nasa beach na kami, ginawa na namin.” Noong isang taon, nag-organisa rin sila ng surprise party para sa ka-loveteam ni Alden Richards.

“The objective why we’re doing this is because, hanggang ngayon, hindi pa rin niya naa-absorb yung lahat sa showbiz. She still can’t believe na she has supporters. So the birthday parties, it’s a once a year activity where we can show how much we love her,” sabi ni Gwen.

“We treasure every moment with Maine kasi yung time n’ya is very, very precious. It’s really a wonderful opportunity,” dagdag niya.

Sagot naman ni Yaya Dub, “Habang-buhay kong ite-treasure itong binibigay at ginagawa ninyo sa akin kahit wala na kayo isa-isa.”

Dagdag niya, “Let’s be real here, tatanda rin tayong lahat. Pwedeng phase lang din ito ng buhay natin. Pero gusto kong malaman n’yo na sobrang thankful ako na napagdaanan ko ito and I got to share this with all of you.”

Isa lamang ang surprise beach party sa tatlong belated birthday celebrations na inorganisa ng mga tagahanga ni Maine. Noong Marso, nagsagawa rin ng isang collective birthday party ang mga fans club ni Maine sa The Tent sa Acacia Estates, Taguig City.

Hindi nakadalo si Alden sa party dahil sa isang prior commitment, ngunit nagbigay siya ng isang mensahe kay Maine sa pamamagitan ng video, na kinasaya naman ng solid AlDub fans.

Nagpasalamat din ang mga magulang ni Maine na sina Teodoro at Mary Ann Mendoza sa mga supporters na patuloy na nagmamahal at nagtatanggol sa kanilang anak.

“Salamat sa mga nagbigay ng oras para sa birthday celebration ni Maine,” sabi ni Teodoro. “Ang birthday wish ko kay Maine, sana yung health niya, huwag niyang pababayaan, sana maayos lagi ang kanyang kalusugan. At sana, lagi siyang ligtas.”

Dagdag niya, “At sana, huwag kang makakalimot sa iyong pinagmulan at pinagdaanan. Lagi kang magpapasalamat.”

“Gusto kong magpasalamat sa inyo at sa pangalawang pagkakataon e, andito na naman po kami upang i-celebrate pa ang kanyang birthday at second year sa showbusiness,” sabi naman ni Mary Ann.

Nitong Abril, dumalo rin si Maine sa Sparkling 22, isang fan-organized birthday party sa Manila Hotel. Present na this time sa pagdiriwang si Alden, na nagbigay ng isang emosyonal na mensahe para kay Maine.

“Wala naman tayong dapat patunayan sa iba,” sabi niya. “Kumbaga, nagkita tayo for a reason.”

Dagdag ng Pambansang Bae, “On behalf of every one, we love you. Ako, nandito lang ako para sa iyo.”

Siyempre pa, nananatiling humble si Maine sa tuloy-tuloy na suporta sa kanya ng mga fans na itinuturing na niyang mga kaibigan.

“Tama nga talaga yung sinasabi ni Alden na time is the greatest gift you can give to someone. Saka, siyempre love. Nakakatuwang isipin na kayong lahat na andito ngayon, talagang naglaan kayo ng oras para ma-celebrate yung birthday ko. Malaking bagay para sa akin yun,” hirit ni Maine.

“Ewan ko, nahihirapan pa rin talaga akong isipin kung bakit ba talaga ako andito. Pero sobrang thankful ako sa suporta n’yo po at pagmamahal n’yo sa amin ni Alden mula simula hanggang ngayon. Sana patuloy n’yo po kaming suportahan sa mga gagawin po naming in the future.

“Maraming salamat po talaga. Maraming salamat sa oras, sa suporta, at pagmamahal. Thank you, AlDub you all!” sey pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang aabangan ang fans ni Maine ngayong taon dahil bukod sa Destined To Be Yours at Eat Bulaga, nakatakda nang gumawa uli ng pelikula ang TV host-actress kasama si Alden. Ito na ang follow-up sa kanilang 2016 hit movie na “Imagine You And Me.”

Tinatapos na rin ni Maine ang kanyang unang libro na ilalabas ng Summit Media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending