DA BEST PA RIN ANG PAYO NG INA MO!
NANAY. Mama. Mommy. Mamay. Naynay. Mudra. Madiraka. Anuman ang tawag mo sa kanya, ang mahalaga ay huwag na huwag n’yong kalilimutan ang espesyal na araw na ito para sa ating mga dakilang ina.
Mother’s Day ngayon kaya kung naging super busy kayo nitong mga nakaraang buwan o araw, ito na ang tamang panahon para iparamdam n’yo sa kanila ang inyong wagas na pagmamahal. I’m sure, marami sa atin ang nakakalimot dahil sa sobrang busy sa pagtatrabaho o pag-aaral, pero hindi pa huli ang lahat.
Hindi n’yo man mabigyan ng mamahaling regalo ang inyong mga nanay, sigurado ako na ang isang simple at sincere na pagbati ng “Happy Mother’s Day!” with matching “I love you, Nay!” ay mapapaligaya n’yo na sila nang bonggang-bongga.
At para sa espesyal na araw na ito, ilang celebrities ang tinanong natin kung ano ang the best payo na ibinigay sa kanila ng kanilang mga nanay na talagang tumatak sa kanila.
VANESS DEL MORAL: Ang advice sa Akin ng mom ko growing up, ‘If you can’t say nothing nice, then don’t say anything at all, Kung wala ka talagang magandang sasabihin sa kapwa mo shut your mouth.
Kung manlalait ka dahil gusto mo lang manlait for the sake of manlalait ka, wag ka na lang manlait pero kung you’re gonna be confronting someone about their problem or your problem with them.
Okay lang naman siguro yun kasi naman after ng confrontation magkakaroon ng resolution, magiging maayos din yung conversation.
JANINE GUTIERREZ: Ang pinakatumatak na advice sa akin ng mommy ko siguro pagdating sa trabaho, na talagang kailangan mahalin mo yung trabaho mo and always do your best tapos doon babalik yung mga pinagdadasal mo din, yung mga gusto mo or yung mga break na inaasam mo. So talagang dapat, always do your best and love your job and take care of the people who take care of you.
IYA VILLANIA: Yung unconditional love na binibigay niya sa pamilya. Yung pinapakita niya sa Akin yun din yung gusto kong ibigay sa family ko. And I think for Drew (Arellano, asawa niya), it’s being hardworking, the hardworking mom that Mama Bern was. It something that reflects to Drew.
KRIS BERNAL: Ang hindi ko makakalimutang advice ni mommy, ang sabi niya sa akin, marunong dapat akong magtipid, kahit kumikita ka dapat mag-save ka pa rin para sa emergency.
At saka para makuha mo yung mga gusto mo like dream house mo ganyan, tsaka yung makatulong ka rin sa ibang tao. Hangga’t kaya mo, huwag kang magsasawang tumulong.
MARC ABAYA: For Mother’s Day, I’m thinking and remembering Marilou Diaz-Abaya. I remember nu’ng nagsisimula po akong mag-artista at maging musikero parati niyang pinapaalala sa akin na dapat lahat ng gagawin ko hindi dapat para sa akin lang, dapat para sa ibang tao kaya tayo nandito.
So, everyday eto na ako, kahit wala na si mama I try my best to be good sa lahat ng gagawin, for what I’m doing para sa ibang tao and to be good to other people.
Napakasimpleng bagay pero feeling ko kung mabait at mares;eto lahat ng tao, magiging okay ang mundo, eh. So, Even just being nice, yung hindi naman plastik, being plastik is different naman. So just being nice.
MIKAEL DAEZ: Get out of the house. I guess, pwede naman eh, di ba? Wow, wala na, yun lang yung tumatak! Ha-hahaha! Hindi, I guess you can put that or interpret that in so many ways. For me I guess it is getting out of my comfort zone, di ba?
And exploring new things which I did naman eh, I was in management and zero experience in showbiz and I end up here. I like travelling, I like going to places so I guess it’s been, I mean in that interpretation it’s been a theme in my life. Thanks Mom, for getting me out of the house.
MEGAN YOUNG: Ang payo sa akin ng mom na hindi ko malilimutan and until now talagang sinusunod ko is, to always be kind because we can never go wrong with that. Dapat lagi kang sincere and marespeto sa lahat ng tao.
AI AI DELAS ALAS: Palaging sinasabi ng nanay ko sa akin, kailangan magpaligaw ka sa bahay. Hindi kung saan-saan. Kailangan mong makita kung seryoso sa ‘yo ang lalaki kung dadalawin ka sa bahay. Hindi ka dapat nagpapaligaw sa kalye.
JOSE JAVIER REYES: Naalala ko lang, my mom died three years ago at the age of 101, ang laging inuulit-ulit niya sa akin na kung may ginawa kang magandang bagay para sa ibang tao.
It’s because yun yung tamang gawin at hindi tayo umaasa na may kapalit o may sukli ang ginawa mong kabutihan. So, sa mama ko salamat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.