Sam: Never po akong nakipag-one-night stand! | Bandera

Sam: Never po akong nakipag-one-night stand!

Reggee Bonoan - May 13, 2017 - 01:05 AM

SAM MILBY

SAM MILBY

ANG “Last Goodnight” ay isa sa mga awiting nakapaloob sa bagong album ni Sam Milby na “Sam: 12” na ang kuwento ay tungkol sa one night stand na isinulat ni Jonathan Manalo.

Nu’ng tinanong namin ang songwriter/producer ng Star Music kung sino ang naisip niyang babagayan ng kanta ay si Sam kaagad ang sinabi niya, pero hindi naman daw ibig sabihin na nakikipag-one night stand ang Rockoustic Heartthrob.

Natawa nga ang mga imbitadong entertainment media/bloggers/online writers sa sinabing ito ni Jonathan, kaya hirit ni Sam, “Bakit ako? Siguro (ikaw ‘yun), kasi ikaw nakaisip ng kanta, never naman ako nakipag-one night stand.”

Inamin din ng singer-actor na ang “Last Goodnight” ang huling ni-record niya at talagang nahirapan siya, “Because of high notes probably. And also, ‘Who’s That Girl’ kasi ‘yung Tagalog lyrics, medyo nabubulol ako.”

Anyway, umabot sa nine songs ang laman ng “Sam: 12” na dapat sana ay lima lang.

Katwiran ni Jonathan ay marami raw silang pinakinggang kanta at bagay sa album kaya isinama na lahat ng siyam na na-shortlist.

“Actually, si Sam is a co-producer sa album, nagsimula kaming makinig ng ilan lang tapos si Moira (dela Torre) nag-contribute rin ng songs, tapos towards the end, nadagdag ‘yung ‘Chasing Cars’, ‘yung ‘Last Goodnight’, actually gift ko kay Sam (hindi nagpabayad), sabi ko, ‘O, Sam, dagdag mo na ‘tong track na ‘to, ako na bahala. Tapos ‘yung ‘Game Over’, ang last contribution.

“So sabi ko, ‘I-full album na natin kasi napakaganda ng mga songs na pumasok sa project. Si Sam naman may power naman to make decisions kasi co-producer naman siya sa album, so we decided to make it full length,” paliwanag ni Mr. Manalo.

Bukod tanging ang Star Music na lang daw ang buwang-buwan naglalabas ng album.

“Siguro, very safe to claim na ang Star Music na ang most prolific na local recording company, kasi Star na lang ‘yung consistently nakakapag-release ng album every month.

“Naggo-Gold naman, nakakapag-Platinum pa, and maganda naman ‘yung traction niya sa digital flatform, so confident naman kami na nasu-sustain naman ‘yung mga project,” kuwento nito.

Kaya “Sam: 12” ang titulo ng album ay dahil malapit na ang ika-12 taong anibersaryo niya sa showbiz. Nagsimula si Sam bilang housemate sa Pinoy Big Brother Season 1 (December, 2005).

Kuwento ni Samuel, “Ang hirap talagang magtagal sa showbiz, lalo na ngayon ang daming bago. Kapag nag-a-ASAP ako, hindi ko na kilala ang ibang mga bata.”

Natatawa na nga raw ang binata kapag may tumatawag na sa kanyang “kuya” at “tito”.

“When I started kasi, ako ‘yung, ‘hello, tito,’ ‘hello, kuya, ate,’ tapos ngayon ‘kuya Sam, tito Sam. Ang bilis ng panahon. Ako ‘yung kuya’t tito,” nakangiting sabi.

At dahil matagal na rin siya sa kanyang career ang payo niya sa mga baguhan, “Enjoy the journey. I feel that the younger generation ngayon, they really get so tied into sa showbiz, sense of worth sa social media

“And ako, I try to veer away, kasi sometimes you get so affected sa mga comments, sa mga bashers. Don’t put your self-value as a person sa mga comments and where you are in your career,” ani Sam.
Pinayuhan niya rin ang mga baguhang artista at singer na magpakatotoo lagi at huwag kalilimutang magpasalamat sa mga fans na sumusuporta sa kanila.

“You learn to love yourself and not on what people would say or what people think in their comments.

Also to give back to the people the reason why you’re in showbiz,” aniya pa.

Aminado ang Rockoustic Heartthrob na dahil sa PBB kaya siya nakilala at sumikat at dahil na rin sa tulong ng manager niyang si Erickson Raymundo ng Cornerstone na nagtiyaga sa kanya simula’t sapul kaya narating niya ang 12 years sa showbiz.

“Nagpapasalamat din ako sa aking fans. They’re still here till now and when I see them they’re still, like, ‘Alam mo, Sam, hindi ka nagbago.’

“And that makes me feel really good na they feel I’m the same person when I started,” pahayag ng binata.

Noong nakaraang Linggo, ginanap ang unang album launch ni Sam na ginanap sa Eastwood City kung saan nag-soldout agad ang mga ibinentang album. Bukas, Linggo ay nasa Venice Piazza Grand Canal Mall naman si Sam para sa ikalawang leg ng “Sam: 12” tour.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba pang mga awiting nasa album ay ang “Virus” (bagay na OST sa James Bond movie); “Balang Araw” (duet with KZ Tandingan); “Bulag Sa Pag-Ibig”; “Tunay Na Pag-Ibig”; at “Di Kita Minamahal”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending