Sulat mula kay Jheng ng Bagong Bayan, Malolos City, Bulacan
Dear Sir Greenfield,
May mabigat na problema po ako sa ngayon, nag-break kasi kami ng boyfriend ko. Nahuli ko kasi siyang may ibang ka-text mate at kalandian sa Facebook. Nagalit ako, tapos siya pa ang malakas ang loob na nakipagkalas sa akin. Sigurado ako na talagang may relasyon na sila ng babaeng iyon. Ang itatanong ko lang po ay kung magkakabalikan pa pa kami, Mahirap pala na wala siya dahil nasanay na ako sa kanya. Kung sakaling hindi na siya magbabalik, may chance kaya na magka-boyfriend uli ako kahit na 29 na ang edad ko sa ngayon? November 1, 1987 ang birthday ko at July 30, 1986 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Jheng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi na kayo magkabalikan ng ex-boyfriend mo at kahit na kayo ay magkabalikan, malamang na mag-break din uli kayo. Ito ang nais sabihin ng dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad. Maikli at hindi gaanong mahaba ang unang Marriage Line (arrow 1.), habang maganda at maayos naman ang ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin, hindi ang unang boyfriend mo ang makakatuluyan mo, kundi ang ikalawa na paparating pa lamang.
Cartomancy:
Jack of Spades, Jack of Hearts, at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Hindi na nga kayo magkakabalikan ng boyfriend mo pero ang susunod mong magiging boyfriend na siya na ngang makakatuluyan mo ay makikilala mo rin sa “social media” na mas bata sa iyo.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.