Oyo Sotto minura, hinamon ng suntukan ang laiterong basher
Galit na galit na pinagmumura at hinamon pa ng suntukan ni Oyo Sotoo ang isang basher na nag-comment sa Instagram account ng asawa niyang si Krisitine Hermosa-Sotto.
Although mabilis na binura ni Instagram user aski_24, sa mga komento ni Oyo tila pamilya nito ang sinabihan nang masasakit na salita na naging sanhi ng pag-init ng ulo ng anak ni Bossing Vic Sotto.
Tinawag ni Oyo ang basher na ‘bakla” at ‘mas makapal muka mo’.
Some followers are saying na dapat hindi na raw sinasagot ang mga ganitong bashers.
“Yung mga ganyang tao dapat talaga pinapansin at ng matauhan” sagot naman ni Oyo.
“@aski_24 wala kang alam sa buhay ko brad. Manahimik kang unggoy ka.”
Base sa komento naman na sagot ng ilang followers, tila sinabihan ng basher na walang trabaho at nanghihingi lang si Oyo ng pera.
Galit namang hinamon ito ni Oyo.
“Beastmode? Halika labas mo dito yan. D kita aatrasan”
“bakit sa tondo? Duwag mo naman. Ikaw pumunta dito. Tanga ka talaga. Ikaw ata walang trabaho eh.”
Inaya pa ni Oyo na pumunta ang basher sa Alabang upang doon makipagsapakan.
“@aski_24 punta ka sa alabang. 1 on 1 lang naman. Mag hahamon ka pa sa tondo. Duwag mo naman. Hahahaha”
Huling banat ni Oyo: “@aski_24 ikaw ang dapat matauhan. Tanga ka.”
Bumuhos naman ng suporta at pagtatangol mula sa ilang Instagram users para kay Oyo at sa pamilya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.