Rebisco-PSL Manila sasabak sa Asian Women’s Club Volleyball
INISIP ng PSL Grand Prix champion Foton Tornadoes ang kapakanan ng bansa sa paglipat nito sa Rebisco-PSL Manila Team ang karapatan na irepresenta ang Pilipinas sa 2017 Asian Women’s Club Volleyball Championship na gaganapin sa Kazakhstan simula sa Mayo 23.
Sa pagiging kampeon ng Foton sa 2016 PSL Grand Prix ay nakuha nito ang karapatang magpadala ng koponan sa naturang Asian tournament subalit nagdesisyon ang Tornadoes na ipasa ang insentibo sa Rebisco dahil sa pagkawala ng mga importanteng manlalaro at natamong injury sa tuhod ng star player nilang si Dindin Santiago-Manabat .
“Mas malakas ang binuong koponan na ito at napakakompetitibo,” sabi ni PSL president Ramon “Tats” Suzara sa isinagawa na pagpapakilala sa koponan sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Golden Phoenix Hotel kahapon sa Pasay City.
“The target of our team is to play at the highest level. Since this will be the first time that we will play with an all-Filipino line-up it would be a very good exposure for the team,” sabi pa ni Suzara.
Ipinaliwanag din ni Suzara na ang koponan ay isang seleksiyon ng PSL at hindi ang binubuong pambansang koponan bagaman ang mga kasalukuyan nitong miyembro ay kabilang din sa national pool.
—Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.