Pinay napatunay guilty sa pag-abandona sa kanyang patay na sanggol sa HK | Bandera

Pinay napatunay guilty sa pag-abandona sa kanyang patay na sanggol sa HK

- May 05, 2017 - 05:19 PM
hongkong NAGPASOK ng guilty plea ang overseas Filipino worker (OFW) na pag-abandona ng kanyang patay na bagong silang na sanggol na lalaki sa Hong Kong. Noong Marso 21, palihim na nanganak ang 37-anyos na domestic helper na si Aileen Ongcoy Grado sa loob ng bahay ng kanyang amo. Ngunit makalipas ang ilang minuto, huminto sa pag-iyak at wala nang buhay ang sanggol na lalaki. Dahil sa takot na madiskubre ng kanyang amo, ibinalot nito ang sanggol sa mga damit at plastic bag at itinago sa isang toilet sa Tsuen Wan, ayon sa South China Morning Post. Una siyang kinasuhan ng one count ng infanticide ngunit ibinaba ito matapos lumabas sa autopsy report na wala namang galos at sugat na nakita sa sanggol. Sinintensiyahan si Grado ng 12 buwang pagkakabilanggo. Natagpuan ang mga labi ng sanggol noong Abril 4, dahilan para sumuko si  Grado sa Philippine Consulate General.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending