Talakerang female star iskandalosa, mura nang mura
ANG dami-daming kuwento tungkol sa hindi kagandahang tubo ng dila ng isang young female personality. Nawiwindang sa kanyang mga pinagsasasabi ang mga nakakatrabaho niya. Masarap daw kasing putulan ng dila ang girl.
Sa isang ginawa niyang serye ay maloloka ang kanyang mga kaharap kapag nakikipagkuwentuhan siya sa telepono. Mura kasi siya nang mura, namumulaklak sa mura ang kanyang bibig, nagagalit man siya o natutuwa.
Sabi ng isang miron, “Parang hindi siya mabubuhay nang hindi nagmumura! At sosyal ang ate n’yo, dahil kung magmura siya, e, in English! Mismo! Namumutiktik ang dila niya sa mga mura!
“E, may mga kasamahan siyang Christian. Natural, nawiwindang ang mga ‘yun kapag nagpapakawala na siya ng mga salitang may F sa dulo! Palagi siyang ganu’n!
“Para lang siyang naglalaro kapag sinasabi niya ang mga F words! Hindi niya ‘yun maiwasan, nakasanayan na kasi niya ‘yun mula nu’ng bagets na bagets pa siya,” napapailing na kuwento ng source.
‘Yung ganu’ng kuwento ay kapag masaya siya, paano na kapag may kaaway siya sa linya, ano na ang mga pinagsasasabi ng young female personality?
“Naku, di lalo na! Dalawa-singko na ang mga pagmumura niya, bawat linya niya, e, may F words, talagang mura siya nang mura! Nakakaawa nga ang nasa kabilang line kapag ganu’n na ang pinagsasasabi niya, wala nang kalaban-laban ang kausap niya!
“Hindi makasingit ang kaargumento niya, kasi nga, di ba, parang machine gun sa bilis kung magsalita ang babaeng ‘yun? Hindi ka makasingit sa bilis niyang magsalita. ‘Yun na kasi siya kahit nu’n pang bata siya, bitbit niya ‘yun hanggang ngayon.
“Alam n’yo, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo na sigurong bendisyunan ng agua vendita ang bibig ng babaeng ito para hindi na siya mura nang mura. Ano sa palagay n’yo?” pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.