PANSAMANTALANG sinuspinde ang pagpapalabas ng Overseas Employment Certificate (OEC) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na humihingi ng pahintulot sa exemption para sa ban sa direct hire.
Ito ay makaraang makatanggap ng mga ulat hinggil sa ibang empleyado ng POEA na umanoy nanghihingi ng kabayaran sa mga OFWs kapalit ng pagpoproseso ng kanilang mga exemption para sa umiiral na ban sa direct hire.
Walang exemption ang ipalalabas simula ngayong araw matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa anomalya at ilegal na pangingikil na nagaganap sa loob ng ahensya.
Batay sa Administrative Order No. 155, hindi na muna magpoproseso at magpapalabas ng OEC para sa lahat ng direct hire na OFW hanggang wala pang kautusan na nagpapawalang bisa rito.
Lahat ng mga pending na aplikasyon para sa OEC sa mga direct hire kasunod ng paglalabas ng kautusan ay sakop ng nasabing suspensyon.
Mayroong umiiral na panuntunan hinggil sa direct hire na OFWs.
Kahit na mayroon pang exemption, ito ay mahigpit na limitado lamang sa iilang kadahilanan.
May mga fixer umano sa POEA at ang mga ito ay nangingikil ng tinatayang nasa P15,000 hanggang P17,000 bawat aplikante upang maiproseso ang kanilang dokumento para sa
Batay sa 2016 Revised Rules and Regulations on the Recruitment and Deployment of OFWs of the POEA, binabanggit ng Section 123 na “Walang employer ang direktang tatanggap ng mga overseas Filipino worker para sa trabaho sa ibang bansa.”
Gayunman, isinasaad sa Section 124 na exempted sa nasabing ban ang mga employers na kamag-anak ng tatangaping OFW, miyembro ng diplomatic corps; organisasyon sa ibang bansa; namumuno ng mga bansa at opisyal ng pamahalaan na may katayuan mula deputy minister; at iba pang employer na pinahihintulutan ng kalihim.
Labor Undersecretary Dominador Say
OIC Administrator
POEA
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.