D’ Originals ni Jaclyn bet na bet ng mga kabit | Bandera

D’ Originals ni Jaclyn bet na bet ng mga kabit

- May 03, 2017 - 12:05 AM

kim jaclyn lj

MAS lalo pang maglalagablab ang Afternoon Prime ngayong summer sa maiinit na tagpo sa seryeng D’ Originals, ang paboritong serye ngayon ng mga legal wife at mga kabit.

Ngayong linggo kasi, tuluyan nang magiging marupok si Lando (Jestoni Alarcon). Maaakit at mahuhulog na siya sa patibong ni Yvette (Katrina Halili) habang walang kamalay-malay ang kanyang misis na si Josie (Jaclyn Jose).

Level-up nga ang lihim na relasyon ni Lando at Yvette dahil kahit sa beach, magtatagpo ang dalawa. Pero teka, ang mga “original” misis nasa same resort pala! Mahuli kaya ni Josie ang mga milagrong ginagawa ng kerida at ng kanyang asawa?

Samantala, mapupuno na si Marge (LJ Reyes) kay Caloy (Mark Herras) dahil bukod sa wala nang trabaho, hindi pa ito maasahang magbantay ng anak at mag-asikaso sa bahay. Sa sobrang galit, babasagin ni Marge ang gitarang pinakamamahal ng musikerong mister.

Mabibigo naman si Art (Archie Alemania) dahil false alarm ang pregnancy ng asawa niyang si Sofia (Kim Domingo).

Sa beach kung nasaan ang sexy pictorial ng kanyang pinakabagong talent na si Alice (Meg Imperial), magkikita at magkakainitan ang kanyang misis at ang kanyang ex.

Huwag palampasin ang mas tumitindi pang tagpo sa D’ Originals, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m pagkatapos ng Legally Blind sa GMA Afternoon Prime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending