Piyesta ng mga Piyesta — Panaad sa Negros Festival | Bandera

Piyesta ng mga Piyesta — Panaad sa Negros Festival

- , April 30, 2017 - 07:09 PM

panaad

LABINGDALAWANG siyudad at 19 bayan ang kalahok sa tinaguriang “festival of festivals” — ang Panaad sa Negros Festival na tatagal mula Abril 22 hanggang 30.

Sa pagtitipon na ito sa Negros Occidental, magsasama-sama ang mga magsasaka, mangingisda at iba pang mga tao na nasa larangan ng agrikultura, at maging ang mga kabataan sa pagpapakita ng kanilang mga talento at ng kanilang mga sikat na produkto na tatagal nang mahigit isang linggo.

Ang Panaad ay nagsisilbing isang pagtitipon ng pinakamagagandang piyesta sa kabuuan ng Negros Occidental.

Noong nakaraang taon lamang ay ginawaran ng Best Tourism Event ng Department of Tourism at ng Association of Tourism Officers of the Philippines ang Panaad. Ngayong taon ang ika-24 na taon nito at may temang “Shining@24” na magiging isang pagbubukas sa nalalapit nitong silver anniversary sa susunod na taon.

Lalahok sa selebrasyon ang mga pinakamagagaling na mga festival dancers na nanggaling pa sa iba’t ibang bayan at siyudad ng Negros. Kasama rito ang Pintaflores ng San Carlos City, Himayaan ng Himaymaylan City, Kali’kalihan ng Salvador Benedicto, Kisi-kisi Festival ng Ilog, Tinabuay ng Murcia, Minulu-an ng Talisay, Bulang-bulang ng San Enrique, Dinagsa ng Cadiz City, Manang Pula ng Victorias City, Manlambus ng Escalante, Pagbanaag ng Hinoba-an, Sinigayan ng Sagay at Bailes de Luces ng La Castellana.

Kasama rin ang mga piyesta tulad ng Dinagyaw sa Tablas ng Candoni, Pasaway ng Sipalay City, Lubay-lubay ng Cauayan, Pasundayag ng Valladolid, Udyakan ng Kabankalan City at ang Babaylan ng Bago City.

Bibisita rin ang Masskara Festival na magtatanghal sa mga dadalo. Asahang magiging makulay at maingay ang pagdiriwang na ito.

At dahil ito ay ang piyesta ng mga piyesta, hindi mawawala ang mga pagkain na naging tanyag sa bawat siyudad at bayan na kalahok. Bawat isa ay magkakaroon ng puwesto kung saan nakalatag ang mga pagkain.

Halimbawa rito ay ang mga alimango at tulya ng Ilog, dried fish galing Cadiz, kilalang grilled pork at seafood ng Hinigaran, peanuts at banana fritters ng San Carlos at puto na galing sa Manapala.

Ginanap din sa pagbubukas ng Panaad ang Lechon Parade, Agri-Trade Fair and Exhibits, ang Organik na Negros Agri-fest & Agri-Clinic, at isang Livestock and Dairy Fair pati na rin isang Eco-Garden Show.

Pinagmamalaki rin ngayong taon ang pagsasama ng Bamboo Village o isang Bamboo Technology Innovation Center na magpapakita ng iba’t ibang klase ng bamboo, mga produktong gawa sa bamboo para ipakita ang iba’t ibang gamit ng bamboo sa livelihood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending