Member ng Masculados may solo album, online drama serye | Bandera

Member ng Masculados may solo album, online drama serye

Ervin Santiago - April 28, 2017 - 12:40 AM

ORLANDO SOL

ORLANDO SOL

NAGSOLO na ang indie actor at dating miyembro ng all-male group na Masculados na si Orlando Sol.

Tinaguriang bagong “Hugot King”, mas lalong makikilala ng madlang pipol ang actor-singer ngayong meron na siyang solo album na idi-distribute ng Star Music. Kamakailan ay ginanap ang launching ng kanyang album kung saan nagpakitang-gilas si Orlando sa pagkanta sa harap ng entertainment media.

Pinamagatang “Emosyon,” mayroong limang hugot love songs sa album ni Orlando mula sa composer na si Jerwin Nicomedez, kabilang na rito ang carrier single niyang “Kailan Darating Ang Ayoko Na”.

Present din sa album launch ng binata ang kanyang manager na si Maryo J delos Reyes.

Excited na si Orlando sa una niyang solo venture sa musika at natutuwa siyang alalahanin na inabot niya ang tagumpay na ito nang hindi inaasahan. Unang siyang nakilala bilang miyembro ng Masculados walong taon na ang nakalilipas.

Marami pang oportunidad ang dumating nang inawit niya ang kauna-unahang single at bahagi ng kanyang album, ang “Ingatan Mo ang Salitang Mahal Kita,” dahil ito nga ang nagdala sa kanya upang magtuloy-tuloy na sa pagkakaroon ng sariling album.

Ilan pa sa mga awitin sa album ay ang “Lilipad Ako ‘Nay,” ”Kaibigan” at “I’ll Always Be There,” mga awiting madaling makakapukaw ng atensyon ng mga makikinig. Isang “chill” track ang “I’ll Always Be There” na nagpapahayag ng emosyon sa isang taong nagsisimulang maging mahalaga habang ang “Lilipad Ako ‘Nay” ay awiting alay sa kanyang ina na kanyang malaking inspirasyon sa kanyang pagsisikap na magtagumpay sa industriya ng showbiz.

Pwede nang i-download ang “Emosyon” sa Spotify, iTunes at Apple Music, at malapit na ring mabili sa mga record stores. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts nito sa Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/starmusicph.

Samantala, bukod sa nasabing album, inilunsad na rin ng Star Music ang official music video ng hugot single na “Kailan Darating Ang Ayolo Na” sa YouTube channel nito at sa MYX noong nakaraang Biyernes bilang pasilip na rin sa unang online drama series ng Star Music na pagbibidahan din ni Orlando.

Makakasama niya rito sina Catherine Rem, Ruby Cayetano at Blumark Roces para sa natatanging love triangle na tiyak na magiging viral sa mga susunod na araw.

Ang five-part series na ito ay prinodyus ng Production 56 at mula naman sa direksyon ni direk Maryo delos Reyes, ang direktor ng mga patok at tanyag na pelikula tulad ng “The Unmarried Wife,” “Magnifico” at “A Love Story.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipalalabas ang pilot episode nito sa Star Music’s YouTube channel ngayong Biyernes, April 28, 6 p.m. habang ang mga susunod na episodes ay mapapanood sa May 5, 12, 19 at 26.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending