Bagyong Dante pumasok na | Bandera

Bagyong Dante pumasok na

Leifbilly Begas - April 26, 2017 - 03:30 PM

    pagasa Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Dante.     Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration lumakas din ang bagyo pero hindi ito inaasahang daraan sa kalupaan.     Kahapon ang bagyo ay nasa layong 1,170 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.     May hangin itong umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pabugsong 80 kilometro bawat oras. Umuusad ito ng 11 kilometro pahilagang kanluran.       Ngayon ang bagyo ay inaasahang nasa layong 1,165 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora at sa Biyernes 1,445 kilometers sa silangan ng Aparri, Cagayan.     Sa Biyernes din inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo kung hindi magbabago ang tinatahak nitong direksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending