Gerald kay Kim: Ibang-iba na po ang energy niya ngayon, grabe! | Bandera

Gerald kay Kim: Ibang-iba na po ang energy niya ngayon, grabe!

Reggee Bonoan - April 26, 2017 - 12:05 AM

kim chiu at gerald anderson

WALANG pagpupuwestuhan sa primetime ang seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin nina Kim Chiu at Gerald Anderson kaya sa pang-umagang timeslot ito mapapanood bago mag-It’s Showtime simula as May 1.

Ito ang kapalit ng Langi’t Lupa na dati ring timeslot ng Be My Lady at ng longest running daytime show ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Nagulat ang entertainment media nang i-announce ito sa presscon ng programa kamakalawa ng gabi dahil ang akala ng lahat ay sa gabi pa rin mapapanood ang balik-tambalan ng KimErald.

Dahil dito ay hiningan ng reaksyon ang dalawang bida. Sabi ni Gerald, “Personally po para sa akin, basta magkaroon kami ng platform, ng oras para maipakita namin sa tao ‘yung produkto namin. Basta naniniwala po kami sa produkto namin, hindi po importante kung anong oras. Basta ibinigay po namin ang lahat.”

“Wala naman po sa oras ‘yun. Kung gusto nilang panoorin, papanoorin naman nila kaya gusto kong magpasalamat in advance sa suportang ibibigay nila sa tanghali at eto nga, itong comeback namin is different. Babalik kami sa tanghali sa inyong mga telebisyon kaya sana po suportahan n’yo,” ani Kim.

Sa halos walong taong hindi nagkasama’t nagkatrabaho sina Kim at Gerald ay tinanong kung ano ang nadiskubre nila sa isa’t isa in terms sa trabaho pagkaraan ng ilang taon nilang paghihiwalay.

“Actually, hindi sa mas maraming na-discover dahil ganu’n pa rin siya in a good way. Siyempre, ang tagal naming hindi nagsama lalo na sa trabahong three times a week, pero ang nakakatuwa, kahit na anong nangyari sa kanya o kahit ano pa ang narating niya, ganu’n pa rin siya. Iba ‘yung energy niya (Kim) ngayon, siya lang ang may energy na ganu’n, sobra, minsan kailangan kong lumayo kasi, huh, grabe!

“Siya ‘yung hindi nauubusan pero great, it’s amazing to the cast kasi nakakahawa ‘yung energy niya at iyon yung maganda kasi it’s great to work with people tulad niya na ganu’n ka-passionate sa trabaho niya kahit pagod na, ‘yung determination niya, siguro masasabi ko ngayon lang ako nakakita ng taong walang tulog galing sa shooting dumiretso sa 21K, amazing, amazing talaga!

“Hindi po ako masyadong vocal na tao, pero pagdating sa ganu’n, it’s amazing kasi mahirap po ‘yun, mentally and physically, hirap no’n,” sabi ng aktor.

Sakto namang nag-post si Kim sa kanyang Instagram account kamakailan na kararating lang niya galing sa shows sa Canada at US para sa 25th anniversary ng Star Magic ay sumali kaagad siya sa marathon.

Naka-post din ang medalyang nakuha niya mula sa 21K na sinalihang run-for-a-cause event.
Caption ni Kim, “Yay, I did it!! My first 21K run! Team no sleep, went straight to MOA from shooting plus jetlag. Signed up before I left for Star Magic tour didn’t know that when I get back ganito pala sched ko!

“Kaya naman as long as you believe in yourself!! But I’m very happy that I’m able to finish the race slowly but surely taking it slowly basta matapos!! #Sub3 #Natgeorun2017 #21kfinisher,” sabi ng dalaga.

q q q

Bukod sa 21K ay sumali na rin si Kim sa duathlon na 4KM, 25KM at 4KM ang natapos niya. May isa pang sinalihan ang dalaga na 16K run sa PilipinasRun2017 ilang linggo bago sila lumipad ni Xian Lim para sa series of shows sa ibang bansa.

Napangiti naman si Kim sa papuri sa kanya ni Gerald, “Wala akong masabi. Lalayo na ako sa susunod pag nadyo-dyoke na ako sa ‘yo. Kasi po ngayon, tahimik na talaga si Gerald, tahimik na siya, quiet siya sa isang sulok. Pag maraming nagsasalita sa paligid niya, pupunta na siya ng kotse, magha-hibernate na po siya pag maingay na kaming lahat. Ito kasi KJ, siguro sign of aging (kaya nagtawanan ang lahat).

“Iba na ‘yung maturity niya. Kahit nakakatawa ‘yung eksena, lagi niyang sinasabi, ‘huwag n’yo akong guguluhin.’ Nagdyo-joke naman ako, e, di sige ‘wag.”

Oo nga, saan ba galing ang energy ng aktres? “Siguro, kasi ngayon, gusto ko lagi akong may pinapatunayan sa sarili ko parang, ‘Ay gawin ko nga ito, kaya ko ba?’ Kasi parang ayokong tumira sa comfort zone ko na ito lang ang kaya ko. Parang gusto ko more pa habang bata ka pa, habang kaya mo pa gawin mo na ‘yung gusto mo kasi hindi mo na mababalikan ‘yun lahat.

“Saka ang daming opportunities na dumating, bakit hindi ko i-grab sabay-sabay kasi hindi naman forever na may mga ganitong nangyayari, so bakit hindi mo na lang ie-njoy ‘yung mga nangyayari,” pahabol pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Timing ang paboritong sports ngayon nina Gerald at Kim dahil ito talaga ang papel na ginagampanan nila sa Ikaw Lang Ang Iibigin na kuwento ng dalawang magkababata na nagmahalan at pinaglayo ng tadhana at muling nagkita sa sports na nakahiligan nila.

Bukod kina Kim at Gerald, kasama rin sa Ikaw Lang Ang Iibigin sina Gina Pareño, Bing Loyzaga, Ayen Munji-Laurel, Michael De Mesa, Daniel Fernando, Dante Rivero, Nicco Manalo, Ivan Carapiet, Andrea Brillantes at Grae Fernandez mula sa direksyon nina Dan Villegas at Onat Diaz mula sa Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending