‘Probinsyano’ ni Coco marami pang artistang matutulungan’
MALIGAYANG-MALIGAYA ang mga kaibigan naming hindi kumpleto ang maghapon kapag hindi nila napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Dahil nalaman nila na hanggang sa Enero pa pala ng susunod na taon wawakasan ang matagumpay na serye ay nagpipista sila, panalo raw ang desisyon ng ABS-CBN, dapat lang daw na pahabain pa ng network ang serye.
“Dahil sa nakakapesteng traffic, di ba’t nagpakabit na ako ng TV sa van ko? Ayoko nga kasing ma-miss ang Ang Probinsiyano, masama ang loob ko kapag hindi ko ‘yun napapanood. Ayoko ng basta kuwento lang ng mga kasambahay ko,” pahayag ng kaibigan naming boss sa isang malaking opisina sa Makati.
Masuwerte ang mga artista ng serye dahil mahaba pa ang lalakbayin ng kanilang trabaho, sa panahong ito na palaging one season lang ang itinatagal ng mga serye ay may isang kagaya ng Ang Probinsyano na taon ang inaabot sa himpapawid, ‘yun ay dahil na rin sa matinding kagustuhan ng ating mga kababayan na huwag tapusin agad ang palabas.
Kapuri-puri naman kasi ang serye, gabi-gabi ay iba-ibang pasabog ang kanilang handog, masu-werte rin ang mga datihang atista dahil siguradong magkakaroon sila ng trabaho sa pahahabain pang kuwento ng pakikipagsapalaran ni Ricardo Dalisay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.