2 opisyal umikot ang tumbong sa Rolex na regalo ng Emir ng Qatar | Bandera

2 opisyal umikot ang tumbong sa Rolex na regalo ng Emir ng Qatar

Bella Cariaso - April 23, 2017 - 12:15 AM

DA who ang dalawang matataas na opisyal na kasama sa delegasyon ni Pangulong Duterte sa kanyang state visit sa Middle East ang umikot ang tumbong sa kakahanap sa isa pang opisyal na siya umanong pinagbigyan ng Rolex na regalo ng Emir ng Qatar.
Nakatanggap ng impormasyon ang dalawang opisyal na lahat ng kasama sa delegasyon ay may regalong relo mula sa Emir at nang ito’y mabalitaan, agad na hinanap ang sinasabing opisyal na may hawak ng mga
token.
Balita na matiyagang nag-abang ang dalawang opisyal sa lobby ng hotel na tinutuluyan ng mga delegasyon para hantingin ang naturang sinasabing may hawak ng mga relo.
Ayon pa sa ulat, umuwing luhaan ang dalawang opisyal dahil hindi nila nakita kahit ang anino ng opisyal.
Bilang backgrounder, kilala kasi ang Emir ng Qatar na si Sheikh Hamad bin Khalifa Al Thani sa pagiging galente sa mga bumibisitang opisyal ng Pilipinas.
Nakaugalian na ng Emir na sagutin ang lahat ng gastusin ng mga bumibisitang presidente mula sa Pilipinas at maging ang delegasyon at mga miyembro ng media na kasama ng mga pangulo.
At sa nakaraang pagbisita ng presidente sa Qatar, bukod sa pagsagot sa tinuluyang five-star hotel, nagbigay pa nga ng mga regalo para sa lahat ng kasama sa delegasyon.
Dahil nga nabulungan ang dalawang opisyal na kunin na lamang ang regalo nila sa caretaker na opisyal, talagang naghintay sa lobby ng hotel ang dalawa para antayin ang opisyal na itago natin sa code na Mr. B.
Sa kabila nga ng matiyagang pag-aabang, hindi nahagilap si Mr. B kayat masamang-masama ang loob ng dalawang matataas na opisyal na nakabalik sila ng Pilipinas na hindi natanggap ang sinasabing token na Rolex mula sa Emir.
Sino ang dalawang opisyal na feeling nila ay nabukulan sa ginawa ni Mr. B? Itago na lamang natin ang dalawang opisyal sa kapwa inisyal na M.
Gets nyo na ba ang dalawang opisyal na sinasabi ko?
At sino naman ang sinasabing Mr. B na nambulsa ng ibinigay na token ng Emir?
Kayo na ang manghula mga KaTropa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending