Maiaahon ba sa kahirapan ang pamilya?
Sulat mula Ayie ng ng Dapitan St., Sampaloc, Manila
Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong nag-aaplay sa abroad kaya lang hanggang ngayon magkakalahating taon na ako dito sa Maynila ay hindi pa rin ako tinatawagan ng agency na pinag-apalyan ko. Itatanong ko lang po sana kung matutuloy ba ako sa aboad, kasi sa ngayon malaki-laki na rin ang nagagastos ko? Balak ko na nga pong mag-give up at umuwi na lang sa aming probinsya pero sabi naman noong pinsan ko na tumutulong sa akin at tinitirahan ko dito sa Maynila, wag daw akong susuko, dahil may “travel line” daw ang aking palad ng minsang magpahula kami sa gilid ng simbahan ng Quiapo. Gusto ko pong mag-abroad kasi pangarap kong maiahon sa kahirapan ang aming pamilya sa probinsya lalo na at matatanda na ang mga magulang ko na hindi pa nakakatikim ng maginhawang buhay. Ano sa palagay nyo Sir Greenfield, makapag-aabroad kaya ako sa taong ito o mas magandangh umuwi na ako sa aming probinsiya at ituloy ko na lang ang pagtitinda ko ng isda sa palengke? October 28, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Ayie ng Sampaloc, Manila
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw, malawak at maraming Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1. 2-2 arrow 2. at 3.) sa iyong palad. Ibig sabihin tama ang iyong pinsan, basta’t nanatiliing buo ang iyong loob at hindi sumusuko, isang araw sa buwan ding ito ng Abril o kaya’y Mayo may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Ten of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing hindi lang isang beses kundi maraming beses kang makapag-aabroad, hanggang sa matupad mo ang iyong pangarap na umunlad ang iyong career at sa bandang huli ikaw ang tanging anak na mag-aahon sa kahirapan ng inyong pamilya sa probinsya.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.